Wondering if I should apply abroad na ba or just stay?
Currently on leave as of the moment at my current work. Nakaka-burn out na rin kasi sa totoo lang yung job ko, although love na love ko yung field ko. Pero 3 years and 6 months na rin naman ako. Which also na I'm almost 30 na rin. Sobrang passionate ako sa ginagawa ko since I'm working as a Multimedia Journalist sa isang respetadong news agency. Kaso lang yung incompetence ng management at yung favoritism at politics, tapos nung hindi ko tinotolerate yung bs nila, ako pa naging difficult or anything. Nasa isip ko na rin 'ang baba ng sahod para maging ganto lang ako.' Sayang skills na pinaghirapan ko. Hindi ko na rin ma-enjoy yung araw ko nang tahimik at parang palagi na lang may nangyayaring mali sa kanila, kaso mali ng isa, damay na buong department. Nagtingin-tingin na rin ako ng jobs sa DMW and recently nakita ko yung sa New Zealand, so napapaisip akong mag-resign na lang rin and change career. Baka magkaroon na ako ng katahimikan at maging healthy na rin mentally at physically.
Posted May 2, 2026, 4:21 AM UTC