How do I start healing from all of this?
Ever since I was a kid, nalalait na ako nang sobra, lalo na mula sa mga kamag-anak ko like pinsan, kapatid, tita, at minsan pati mama ko. I don’t think she really means to hurt me, parang inaasar lang niya ako, but she knows na ayoko sa mga salitang ginagamit nila. Kahit ganon, nasasaktan pa rin ako. I really love my mom, pero masakit pa rin marinig yun kahit biro lang para sa kanya.
Sinasabi nila na may mukha naman daw ako, pero sa pamilya namin ako pa rin yung palaging nalalait. I don’t know why. Tahimik lang naman akong tao, hindi ako nanglalait o naninira kasi alam ko kung gaano kasakit yun. Hindi rin ako masyadong close sa mga pinsan ko, isa lang ang close ko. Madalas nasa gilid lang ako at pakiramdam ko sobrang awkward kong tao. Pakiramdam ko rin ako yung least favorite sa pamilya, siguro dahil kamukha ko yung tatay ko na hindi nila gusto. Parang nakikita nila siya sa akin.
Pilit kong ini-ignore yung mga sinasabi nila. Kahit hindi ko sila kinakausap o close sa kanila, bigla na lang silang may nasasabi sa akin. Noong 11 years old ako, akala ko kaya ko nang mabawasan yung insecurity ko. That time may COVID pa. Isang beses sa klase, may isang babae na hindi ko naman ka-close ang nagsabi sa akin, “Akala ko maganda ka, hindi pala.” Nasaktan ako. Recess time noon, gusto ko lang sanang kumain nang tahimik sa likod, doon ako comfortable. Pero dahil sa sinabi niya, hindi na ako kumain at ibinalik ko na lang yung facemask ko.
Doon nagsimula yung habit ko na kumain sa CR. I know it sounds gross pero mas comfortable ako doon kaysa mapalibutan ng maraming tao. Ayoko na ring magtanggal ng facemask noon kasi tuwing ginagawa ko yun, parang may masasabi agad ang iba. Kahit anong gawin kong pag-build ng confidence ko, nawawala rin dahil sa mga salita nila. I also believe na mas masakit pa rin ang mga salita kaysa sa physical.
Doon din nagsimula yung suicidal thoughts ko. Isa sa mga dahilan nun ay yung bullying at panlalait na naranasan ko. Nadagdagan pa yun dahil sa mga nangyayari sa bahay, yung pagiging abusive ng tatay ko.
There was also a time na may nangyari sa akin na hindi ko ginusto. Ilang beses akong naabuso ng lolo ko. Sinubukan kong sabihin yun sa mama ko at lola ko, pero sinabi nila na may sakit lang daw ang lolo ko at gusto niya lang ako makasama. Parang pinili nilang hindi makita yung nangyari. May mga pagkakataon din na pakiramdam ko ganon din ang tatay ko, kahit wala akong sapat na ebidensya, ramdam ko yun. Dahil sa mga naranasan ko, nahirapan akong magtiwala at may part sa akin na galit sa mga lalaki. Hindi ko naman sinasabing lahat sila, pero karamihan sa kanila hirap akong pagkatiwalaan.
Dahil sa lahat ng iyon, nagkaroon ako ng social anxiety. Natatakot akong makipag-usap sa ibang tao. Nag-ooverthink ako kahit gusto ko lang makipag-usap. Kahit may kumausap sa akin, kinakabahan ako. Mas gusto ko na lang manatili sa bahay kasi pakiramdam ko hindi ako maiintindihan ng mga tao.
Hindi ko alam kung may mild depression ako, pero hanggang ngayon hindi nawawala yung suicidal thoughts ko. Hindi rin ako takot mamatay. At dala dala ko pa rin yung anxiety ko hanggang ngayon.
Actually naka move on na ako sa nangyari noong 11 ako, pero hindi ko pa rin talaga makalimutan. Noong 14 ako, medyo na-boost yung confidence ko. Nagsimula na akong magtanggal ng facemask at mag ayos ng sarili ko like using makeup. Pero kahit ganon, hindi pa rin nawawala yung mga sinasabi nila sa akin. I tried everything para ma-build yung confidence ko, ignoring them, doing what I want, and just being myself. Alam kong capable ako pero aaminin ko sobrang iyakin at soft hearted akong tao. Kahit pilit kong kinakalimutan yung mga sinasabi nila, umiiyak pa rin ako after.
Hanggang ngayon akala ko wala na akong masyadong insecurity pero parang lumalala lang. Kahit pare pareho lang kaming girls, ako pa rin yung nilalait, even by my own sister. Naiinis ako kasi sobrang unfair. Hindi ko kayang manglait o manira ng iba so bakit ganon sila sa akin? Akala ko ba girls support girls?
On top of that, ako yung first honor sa pamilya namin at ako rin ang pinakabunso. Pagdating sa academics, pakiramdam ko nage-expect sila sa akin. Sinasabi ni mama na wala naman daw siyang pake sa grades basta pumasa lang ako, pero kapag mababa yung score ko or may tinatanong sila na hindi ko masagot, naririnig ko pa rin yung “Akala ko ba matalino ka?” o “Wala kang modo, ganyan ba tinuturo sa eskwela? Walang magagawa yang talino mo kung ganyang ugali mo.”
Minsan naman, kapag sinasabi ko lang yung nasa isip ko o nararamdaman ko, pakiramdam nila sumasagot ako pabalik. Nasasabihan pa ako ng “Matalino nga sa academics pero wala namang diskarte” at “Diskarte o diploma? Siyempre dapat may diskarte ka rin, hindi puro talino lang.” Madalas sinasabi ito ng kuya ko. Naiintindihan ko naman yun, pero pakiramdam ko pinapatamaan niya ako, parang sinasabi niyang wala akong diskarte sa buhay.
Dahil dito, may part sa akin na natatakot na baka ganun na naman ang marinig ko kaya ginagawa ko ang lahat para manatili sa top. To be honest, hindi ko naman talaga gusto ang pag-aaral noon. Naging masipag lang ako dahil may dahilan ako. Dati average lang ako, pero ngayon may pressure na ako sa sarili ko. Kasi every time na hindi ko ginagawa yung best ko, naiisip ko, edi ano ako? Hindi na nga ako maganda, kung wala yung katalinuhan ko, edi ano ako?
May part sa akin na natatakot madisappoint sila at makarinig ulit ng masasakit na salita. At the same time, may part din sa akin na parang wala na ring pake. Pero hindi ko rin maikakaila na nasasaktan pa rin ako.
I’m still a teenager. Alam kong bata pa ako at mas madali akong masaktan. Sabi nga nila mahihina raw ang kabataan ngayon. Pero sana, bago kayo magsalita o gumawa ng isang bagay, isipin niyo muna kung paano makakaapekto yun sa ibang tao. Kasi hindi niyo alam kung ano ang pinagdadaanan nila at kung gaano kalalim ang epekto ng mga salita niyo.
Posted May 2, 2026, 4:25 AM UTC