Pasabuy Culture ng Pinoy vloggers abroad
Ako lang ba yung medyo nawe-weirdohan sa content ng ilang Pinoy vloggers dito sa Canada na bumibili ng sobrang daming hype items like Owala bottles or Jisulife fans para i-resell sa Pinas?
Gets ko naman yung pasabuy culture at side hustle. Walang masama kumita. Pero minsan kasi yung dating ng reels nila parang:
“ubusan tayo ng stocks hehe 🤪”
As a Filipino living here, medyo off lang makita na halos karton/cart-full yung kinukuha tapos naka-content pa. Hindi man lang naisip na may ibang tao rin sa local community na gusto bumili for personal use.
Parang may difference kasi between:
- diskarte/business and
- obvious hoarding ng trendy items dahil alam mong mabebenta sa Pinas.
Mas okay pa siguro kung preorder setup or may moderation kahit papano. Pero kapag ginagawang flex yung pag-wipe out ng shelves, parang ang pangit lang ng image na napapakita.
Curious lang if ako lang ba nakakaramdam nito or normal na talaga tingin ng tao dito?
**yes, yung nakakainis yung boses yung tinutukoy ko hahaha
Posted May 6, 2026, 11:20 PM UTC