I wanna quit my new job
First time ko mag work ng fulltime sa au client and remote setup so ang dami kong realizations na aana ginawa ko prior mag sign ng contract.
- Yung payout ko dapat na negotiate ko ng 15-30 instead getting all my salary ng isang bagsakan. Akala ko kasi mabilis ang process ng pagpapasahod nila kasi yung sa previous freelance ko, direct sa paypal binayad.
1st attempt paypal sila nagbayad until hinold ni paypal yung salary ko for 21 days. So i suggested na idirect na lang and refund and they asked for my Swift code which I gave my Wise. Akala ko din mabilis pero sabi it will take 1-2 days pa.
- Yung JO ko editor w/ minimal admin, pero nagkabaliktad ata, admin w/ minimal editing naging work ko. Mas confident ako sa editing side pero mas sinusubok ako ng admin work to the point na madalas na ako napapagalitan and na mimicromanage kasi gusto nila makita paano ko ginagawa and oorasan which I understand kasi nga bago pa lang ako (1 month) pero something feels off kahit naiintidihan ko.
Nakaka stress na ang dami mong mali sa work tapos yung sahod di ko pa nakukuha. Nag ka delay delay na ako sa bills ko and even sa rent kasi i assumed my pera akong makukuha agad. isa pa yang backpay ko from previous company ko, sabi 30 days daw naka 1 month and 2 weeks na wala pa ring update. Yung savings ko paubos na rin. Gusto kong mag resign pero at the same time i understand my short comings.. nakakapagod lang yung ganito na wala ka man lang pang huhugutan ng lakas para maka recover. I walk every morning and exercise tsaka nag papaaraw for my sanity pero di enough.
Napapanaginipan ko na din yung work ko lately, tapos everytime tumatawag si boss napansin lo biglang nanginginig na yung kamay ko out of pressure..everyday na rin ako umiiyak. Di lang ako maka resign kasi wala pang kapalit and malaki naman sana makukuha ko dito tsaka iniisip ko na bago pa lang naman ako so nag aadjust pa ako.. kaya lang this is stressing me out.
Posted May 7, 2026, 12:39 PM UTC