OA lang ba ako kung feeling ko may kleptomania yung kapatid ko?
I have this little brother of mine (16 years of age) na sobrang hilig kumuha ng gamit ng ibang tao. Nagsimula sa pabarya baryang kupit sa wallet ng mama namin dati nung maliit pa sya, hanggang dumating sa malalaking halaga ng pera yung kinuha nya sa tita namin (note: pinagalitan sya for both incidents). May time din na pati mga gamit ko at ng iba naming kapatid kinukuha na nya like notebooks, earphones, wallet, at iba pa and yes pinapagalitan sya everytime na kumukuna sya ng gamit namin.
Fast forward, mga 13 or 14 yo sya noon nung may sumugod na parent ng classmate nya dito sa bahay kasi ninakaw daw ng kapatid ko yung phone ng anak nya at bago dumating ung time na may sumugod nakita na namin na may ginagamit syang ibang phone pero nung tinanong ni mama kung kanino yun at saan galing sabi nya sa kaklase nya at may pinapaayos lang sakanya. going back, yung description ng phone na sinabi nung tao na sumugod ay nagmmatch sa ginagamit ng kapatid ko na ibang phone at sabi pa nung parent ay bigla nalang daw nawala sa bag nung anak nya at pinagsuspetsyahan agad na yung kapatid ko ang kumuha dahil sya daw ang kilalang magnanakaw sa classroom nila. IMAGINEEE???? so after umalis nung sumugod, grabeng pagalit at pananakit yung ginawa ni mama sa kapatid ko at sinabihan sya na pwedeng makulong yung kapatid ko sa ginagawa nya.
Akala namin noon titigil na sya sa gawain nya pero hindi pa pala. Dumating na sa point na pati mga pants ko kinukuha nya. Ultimo mga snacks sa bag ko kinukuha rin nya. Recently din bumili yung tito namin ng huawei watch online at ninakaw din ng kapatid ko (kitang kita sa cctv). Siguro this week lang din nahuli ko sya na kinuha yung powerbank ko ofcourse pinagalitan ko.
What motivated me to post this ay yung nangyari kanina maybe just an hour ago. Natutulog ako, nagising, at natyempuhan ko sya na inaabot yung bag ko (nasa tabi ko palagi pagtulog yung bag ko dahil nga sa ugali nya). Pinagalitan ko rin sya pero alam ko namang walang effect yan.
Pano ba didisiplinahin to? kung kausapin namin nang maayos hindi makikinig at kahit daanin sa dahas hindi rin nadadala. Hindi naman kami naghihirap at di kami pinagdadamutan kaya hindi ko alam kung ano yung motivation nyang kumuha ng kung ano ano sa ibang tao. Sya lang din yung ganyan saming apat na magkakapatid.
Sa lahat ng nabanggit ko oo proven na sya ang kumuha dahil umaamin sya o di kaya naman may nakakakita sakanyang ibang tao or cctv.
Posted May 8, 2026, 3:50 PM UTC