How to know when to resign (toxic boss)

Self-Story

Sorry gusto ko lang mag dump dito and mag tanong if may similar story din ba kayo, baka may mahingi kayong advice.

After ko mag resign as a graphic designer sa isang creative agency 9 months ago, nag try ako mag apply sa olj and landed a job after 2 months of being unemployed. Role is social media manager and graphic designer, 50k-60k monthly sahod ko super taas ng difference compared sa creative agency na 20k monthly lang tapos 6hrs lang trabaho ko every weekday.

Ang kaso lang ang toxic ng boss ko. I'll give examples.

  1. Not giving/No clear instructions sa designs na assigned sa akin.
    Everytime na mag tatanong ako kung ano gusto niyang makita sa design and I'll even give some moodboards, ang bato sa akin is generated message from chatgpt regarding her instructions. So super vague nung instructions and lagi ko na babasa "Make it look sophisticated, eye catching, scroll stopping".

  2. When I try my best to execute a design, ang sasabihin na feedback ay "this looks ugly" and pag tinatanong ko naman if she can specify ano yung pangit, baka pwede pa gawan kasi ng paraan or revision, ang sasabihin lang is "i just find it ugly, and i dont like it". Tapos pag sinabi ko na i followed what she instructed and she needs to be specific with what she wants, generated reply from chatgpt ang i-sesend. Parang binibigay yung gawa ko sa chatgpt, tapos kung ano sabihin nung AI, yun yung i-send sa akin.

  3. Ang hilig niyang manakot na i-rereplace niya raw kami if hindi raw namin magawa ng tama yung trabaho namin. When ginagawa naman namin ng tama, ang nangyayari is, late siya mag bigay ng feedback or response, hanggang umabot na ng weekend, dun lang siya mag sasabi ng mali or minsan no message at all, tapos sa monday i-bring up na may mali sa trabaho. Ang akin lang, kaya pang macorrect if may mali or may hindi ka gusto kung nag rereply ka on time, kahit follow up mo pa, hindi pa rin mag rereply.

  4. Laging nag memessage every sunday, mapipilitan ka tuloy mag work kahit hindi bayad. Minsan tinatry ko na lang hindi pansinin pero minsan biglang tatawag, so parang nakakahiya naman kung hindi mo sasagutin.

Ang nakaka apekto sa mental ko talaga is yung number 2 and 3. Lalo na pag tinatakot niya kami na tatanggalin niya kami. 2 months na ata akong umiiyak habang nag tatrabaho, kahit weekend iyak pa rin ako ng iyak dahil apektadong apektado na ako sa kung paano niya kami tratuhin.

Ang akin lang, dapat na ba akong mag resign o hindi? May onti akong savings pero di tatagal ng 6 months to. Sweldo pa naman din sa 15 hehe. Dapat ba akong mag pasa ng resignation letter kung wala rin naman kontrata? Sana may makatulong, gulong gulo na ako.

Posted May 10, 2026, 2:06 PM UTC

11
Loading comments…