Sakal

Share ko lang.

Bakit ganon. Feel ko, parang nasasakal na ako sa partner ko. Everytime kasi na may kaunting ganap after work, parang irritable sa akin. Though pinaalam ko naman yung ganap na yun. At umoo siya. Parang umo-oo lang siya pero ayaw naman pala niya. Tapos eto pa. Nakikipag kwentuhan lang ako sa bahay ng pinsan ko, na mismong katabi lang ng bahay namin. Tapos nag chat: “Nasan ka?” “Wala ka sa kwarto”, (may cctv kasi kami). Sabi ko nakikipag kwentuhan lang ako dito sa kabilang bahay. Tapos ewan, parang wala na siyang gana kausapin ako.

Di ko alam. Pero feeling ko parang naka kulong ako. Nakakasakal yung feeling. Parang wala akong kalayaan. Tapos feeling ko, bawal ako makipag kaibigan sa iba kasi pag may mga na kwe kwento akong mga ganap sa work, parang lagi na siyang duda. Nakaka drain lang.

Need to hear your thoughts.

I’m 31[M]
Partner 33[F]
1 daughter

Posted May 10, 2026, 2:09 PM UTC

10
Loading comments…