me lamba na scam pa rin sa 2026

Business

Problem/Goal: May nag pre-order sa small business ko online thru fb.Nung sinabi kong ready to receive na yung order nya, biglang gusto raw mag cancel which is hindi naman pwede since made to order nga and nagawa na yung product.

Context: I am a small business owner and inaadvertise ko yung products ko online sa friends ko and there's this one fb mutual na schoolmate ko before na di ko naman na nakakausap ngayon na biglang nag pm about sa products ko and interested daw sya to buy. Sinabi ko na accepting ako ng pre-orders and nag-oo na siya, so binigyan ko na siya ng date when niya makukuha, and pinag-usapan na rin namin kung paano yung gagawin para makuha niya yung order. Siya pa mismo ang nagsabi na i-deliver na lang sa bahay nila, and kahit ako na raw ang mag-deliver since malapit lang naman, no need na ipa-Lalamove. So, bilang kakilala ko naman siya, ginawa ko nang priority yung order niya and nung natapos ko na, in-update ko ulit siya na ready na to receive na yung item. Tapos biglang nagtanong siya kung puwede raw bang i-cancel na lang. Humindi ako and ni-remind ko siya na hindi kami napayag sa cancellation since made-to-order nga yung products namin and hindi siya mabebenta sa iba if ever. Ang akala ko, naintindihan niya naman kasi nag-okay na lang ulit siya.

Hanggang dumating na yung araw na dapat i-deliver ko na sa kanya yung order niya, and then bigla siyang nag-message na wala raw siya sa bahay, which is already odd kasi nagkasundo naman kami sa date and time ng delivery. Pero as the considerate person that I am, hinayaan ko na lang and sinabi ko sa kanya na hindi na ako puwedeng mag-deliver kasi may mga gagawin din ako. Sinabihan ko siya na ready for pickup na lang yung item sa mismong store namin. Siya na lang ang bahala kumuha at nag-agree ulit siya. Ngayong magsasara na yung shop kasi patapos na yung operating hours and need na namin yung cash, wala nang paramdam si Ate at deadma na sa messages ko. Partida online pa 'yan siya.

Previous Action: I tried messaging her again and again kasi ang ayos naman talaga nung usap namin pero wala talaga. This is my first time, and I'm feeling quite frustrated. As a starting business, big deal sa akin yung mga orders na ganito kasi magkano rin ang gastos and effort pa na binigay ko para lang sa order niya. What should I do now?

Posted May 10, 2026, 2:15 PM UTC

11
Loading comments…