I didn't greet my mother yesterday
My mom and I are pretty close - but I didn’t greet her yesterday.
My mom is a retired govt employee, lives in the province with our bunso who is a PWD and 3 other single aunts.
I called her in the morning to greet her sana and tell her na they can eat out and use the credit card (gave her a supp card for emergency and for her weekly grocery. Pero bago niya gamitin, should let me know kasi i-unlock ko pa). She didn’t answer.
Called her in the afternoon again to greet her and na lumabas nga sila + I was excited to let her know na natapos na isa kong project and was gonna show her, pero mas nauna niyang sabihin na pautangin ko na daw ang kuya ko na nangungutang because walang wala na daw talaga and naaawa na siya.
Bit of background - out of 6 sibs, 3 kaming professionals with good financial capacity. 1 sib na palautang (sib4) - govt employee with salary grade 17 but has a gambling and drinking problem. So pag may mga expenses sa family, mostly 3 kami na naghahati.
Naka-mute na kasi yang sib4 sa Messenger ko because simula noon, utangero na talaga tapos di magbabayad. Di na nga sinisingil sa mga ambagan, dumadagdag pa sa problema. He has 3 kids na lahat sobrang liit pa kaya kung tutuusin wala pang real life na gastusin. Just mismanagement ng pera. Sagad na din kasi lahat ng pwede niyang i-loan. Tapos lahat ng mauutangan, nautangan niya na at hinahabol na siya ngayon.
Kahit noon pa, napag-usapan na namin lahat magkakapatid na never na magpapautang because habang alam niyang may maaasahan siyang nagbibigay, di yan titigil sa bisyo niya.
Last January, we decided pa nga na paghatian na lang ang 100k utang niya /3. Nagbigay na kami ng pera pero in the end, di niya tinanggap kasi bakit daw ganon, magbibigay na lang ang dami pang sasabihin, papagalitan pa siya, side comments etc. So binawi namin ang ambagan - lol
Tapos ngayon, kinain niya rin, nandito na naman siya. Simula kasi college ako, working na yan siya pero never naman nakaabot kahit pang-kain. Simula nung nag-work din ako, ako lang lagi taga-bigay regalo sa parents and sibs ko - never din naman ako nabibigyan. I’m a galante family member - ginagastusan ko talaga with material things, trips, expensive restos, pero ayoko talaga nagpapautang ng pera dahil di nga mga palabayad.
Going back to yesterday, I messaged my mom na sabi ko, alam niya naman gaano kalaki din ang need kong pera because I’m putting up a business. Also told her na even siya may utang sakin, tsaka yung 2 other siblings (na kahatian ko), meron din na trip lang nila wag muna ako bayaran - kahit lagi ako naniningil. Sum of the utangs sakin is 6 digits din. Sabi ko once mabayaran ako doon, doon lang ako magpapautang ulit.
Or if they want, sabi ko kamo, gamitin nila ang utang nila sakin as ambag ko, pero di na sila makakaulit lahat sakin... ever.
Ako ang bunso eh. Di ko man lang na-experience ma-spoil ng kuya ko nung working na sila tapos ako college. Or na masu-surprise ng gadgets etc. It’s always me doing that for them.
My mom only replied, “grabe naman, sige wag na”
Kung confident siyang magbabayad yun, edi bawasan niya retirement niya diba haha. Kaso napipikon pag ganyan ang sinasabi ko.
Grabe noh. Naging problema ko pa tuloy yung di ko naman problema. Ako pa ang naging masama. Biglang nakalimutan lang lahat ng naibigay ko porket ayokong magbigay ngayon. Sucks.
Hello naman, even weekends nagtatrabaho ako para maafford ko mga luho ko. Tas porket nakikita nila siguro na ganito ang lifestyle ko, iniisip siguro nilang maliit lang sakin na bagay ang pera. Pero wala naman sila sa mga moments na pagod na pagod ako. Di naman nila alam yung part na nagpupuyat ako to finish a deadline etc. Kaya mahirap magbigay e, kasi pinagpaguran ko kada piso meron ako.
I love my mom so much. Pero naiinis ako pag lagi niya kinakampihan mga kapatid ko. Always saying na ako ang mas mature, ako ang mas umintindi. Nakakapagod. Na maswerte ako na di ako gaya ng mga kapatid ko and mas okay nga na di niya na ako problemahin. Pero no, di dapat ganon eh. Napapasa sakin ang burden eh. Kaya nga di pa ako nag aasawa eh!
Nag-celebrate na lang ako mag-isa - with my dog since furmom naman din ako lol
Posted May 11, 2026, 5:32 AM UTC