r/Antipolo•
Eurofan2014

Update sa email ko tungkol sa pag-open ng Don Celso para sa easier access sa LA papuntang Cainta, and access road going to Muntindilaw

Community

Last April 24, 2026, nagsend ako kay mayor ng email regarding sa pag-open ng isang "friendship" lane mula sa Valley Golf (Cainta exit) papunta sa (Valley Golf (Sumulong exit) through Don Celso Avenue para may alternate route na mula at papuntang Cainta nang hindi na kailangan pang dumaan sa UA saka bababa ng Tikling.

Additionally, magbukas ng access road sa Sumulong side papuntang Muntindilaw kasi same reason, iikot pa ng UA-Cainta para lang makapunta ng Muntindilaw.

Tinawagan ako ng Antipolo CEO regarding the matter kasi marami na rin daw palang nagrerequest na mag-open na ng iba pang access roads para hindi na raw kailangan pang dumaan pa ng UA, karamihan daw nang nagrerequest ay galing sa LA.

They will have talks with the developer at management ng Valley Golf Country Club and Estates regarding this matter kasi kaya daw hindi natutuloy, yung dalawang village daw sa Valley Golf Estates hindi raw pumapayag. Hopefully this time daw with my suggestion na ang pwede lang may access sa ngayon ay mga eTrike going to other barangays sa LA. Ang reason daw kasi ng dalawang village ay baka daw maging maingay kapag in-open sa public yung Don Celso Avenue.

In regards daw sa Muntindilaw, they'll find a route daw sa may Sumulong side para mas mapadali ang access sa barangay na yan.

Sana nga matuloy na. Kahit e-Trike na lang muna going to Masinag, or going to SM Cherry, or going to Olalia-CMA, or going to Blue Mountains-COGEO Village.

Posted May 11, 2026, 5:35 AM UTC

10
Loading comments…