I just lost my most trusted staff
Natatandaan ko pa nung araw ng interview mo, napansin ko na agad na sa lahat ng applicants na pumunta that day, ikaw yung organized, punctual, at appropriate yung suot for the setting. In short, nag stand out ka and ikaw yung napili for the job.
First few months mo sa trabaho, normal lang. Typical employee na pumapasok sa work tapos uuwi. Akala ko hanggang dun lang, nasa isip ko pa, “aalis rin siguro to after a year, baka naghahanap lang ng bagong experience” dahil hindi naman related sa work na ginagawa mo yung natapos mo nung college.
Not until dumating yung time na sa iba mong mga kasama, may mga umalis na. Merong bumalik sa pag aaral, merong magpapakasal na, kaya kailangan umalis. And that’s when you stepped up. Nakita ko kung gaano ka ka-passionate, enthusiastic, open sa ideas, at sobrang gaan ka-trabaho. Nai-istress ka pa nga kapag may mga usapan yung workmates mo na hindi maganda kasi ayaw mo ng ganun.
Ikaw yung nangunguna sa mga pakulo kapag may birthdays yung isa sating lahat. Nag aayos ng decor at surprises. Kaya naging tradition na natin na kada may nagbi-birthday automatic may surprise tayo. Never ako nakarinig ng reklamo kahit may mga araw na sobrang toxic sa trabaho, or stressful scenarios na nangyayari. Kahit minsan hindi ka rin umabsent kahit na may iba ka na palang nararamdaman.
Sana nalaman namin, sana mas tinanong ka namin kung may masakit ba sayo, sana mas kinumusta ka namin. Pero knowing you, laging sagot mo okay ka lang at wag ka intindihin.
Kahapon nung nasa ER ka nagbibiruan pa tayo, just like your typical self na ayaw magpabigat sa iba at ayaw na alalahanin ka. I was still expecting na magrereply ka pa sakin nung kinumusta kita kagabi. Pero huli na pala yung usap natin na yun.
Now I don’t know where and how to start. Kapag may problema sa trabaho, ikaw yung una kong sinasabihan, at sayo ako unang nagtatanong. Kasi may mga bagay regarding work na sayo ko lang rin sinasabi. At alam kong ikaw lang rin yung fit for that job. Grabe yung tiwala na nabuo the whole time you were here.
Para akong nawalan ng kapatid na napagsasabihan ko ng problema, nakakatawanan, napagsesendan ng memes, at nakakapag share ng kung anu-anong bagay regarding sa trabaho at sa personal life.
Ngayon sobrang tahimik sa office, lahat kami nami-miss yung presence mo. Wala nang maingay at may malakas na tawa, yung taga receive ng parcels at orders para sa office, taga aya na may bagong restaurant or coffee shop na dapat i-try o puntahan.
Sa totoo lang hindi ko alam at iniisip pa rin hanggang ngayon kung paano ba namin sasabihin sa mga patients kung nasaan ka kapag hinanap ka nila. Dahil for 3 years at sa araw araw, ikaw yung una nilang nakikita pagdating nila dito.
Kung nasaan ka man ngayon, we find comfort in knowing that you’re now okay and at peace. Kahit mahirap umusad, ita-try naming lahat para sayo dahil alam kong as my office manager, ganito rin yung gusto mo.
Mahal ka namin. Hanggang sa susunod nating pagkikita.
Posted May 11, 2026, 5:35 AM UTC