Weird jeepney encounter; probably modus?
There was just this random encounter last year na hanggang ngayon napapaisip ako kung modus ba or praning lang ako haha. Nakasakay kami sa jeep pauwi, yung jeep kasi maraming barangay pa yung dadaanan so iba't-ibang tao yung nakasakay. Ngayon naupo kami sa gitnang part ng jeep, napagitnaan ako ng friend ko tapos isang lalaki na mukhang nasa mid 30s. Habang nasa kalagitnaan ng biyahe, may naamoy akong di ko maexplain which made me feel dizzy afterwards, pero pinilit kong magising kasi I felt that there's something wrong, yung friend ko naman nakapikit na yung mata kasi nakita ko parang mahilo hilo rin siya. To my surprise, lahat ng mga pasahero nakatulog, yung as in na deep sleep talaga, parang ako na lang yung gising TAPOS yung mga 4-5 guys na sa tingin kong magkakakilala, ang weird jan e hindi sila magkakatabi, ang pwesto nila para silang nascatter each corner ng jeep e sila naman yung unang nakasakay sa jeep kasi sila yung una sa pila bago kami, alam kong magkakakilala sila kasi nagkakatinginan sila tas nag-uusap. Parang natetense sila then maya't maya natingin silang lahat sa banda kung san ako pero pinapakita kong gising ako tapos iniikot ang tingin kunware pero ang totoo nahihilo na din ako. Naconfirm kong magkakasama sila since nung may nagpara, magkakasama silang lahat na bumaba. Hanggang ngayon napapapaisip ako kung possible kaya na modus yung mga yun like kunware nagspray sila sa sarili nila ng pampahilo para maamoy ng katabi nila then later pag nakatulog na lahat saka nila nanakawan? May same case ba kayong naencounter na ganito? Modus or not, I guess keep safe and presence of mind na lang sa atin always.
TL;DR
may mga nakasakayan kaming suspicious na mga lalaki na nakaupo sa iba ibang corner ng jeep, tapos later nakafeel ako ng pagkahilo kasi may naamoy akong something na hindi ko maexplain ang scent, until nakita kong nakatulog lahat except sa mga 4-5 na lalaki at ako na lang, possible na nagspray sila sa mga damit nila or even nags-spray habang nasa byahe ng pampahilo para mas madaling makanakaw? Huhu real man or hindi, keep safe to all of us!
Posted May 12, 2026, 6:19 AM UTC