Tama lang ba ang binibigay na sustento o kulang pa?

Parenting & Family

Problem/Goal: Kulang pa ba ang binibigay na sustento ng kapatid ko sa 6 yrs old niyang anak?

Context: May anak sa pagkabinata ang kapatid ko.Hiwalay na sila ng nanay (may sariling pamilya na at may anak na bago) kaya nagsusustento na lang siya. Kinder ang pamangkin ko at may nakalaan na 7k monthly na sustento. Hindi ito binibigay ng buo. Bali 3k na pera,2k grocery at 2k panggala ng bata.Maliban sa nakalaan na 7k na to, sagot na rin ng kapatid ko lahat ng gamit sa school at iba pang wants and needs at nagbibigay din kapag nagpapacheck up ang pamangkin ko.

Para saamin ay sapat na iyon pero kulang pa yata base sa reaction ng nanay. Sinasabi na lagi daw nanghihingi at nagpapabili ng kung ano-ano ang bata. Nagagalit pa dahil baka akalin daw ng ibang tao na nahahawakan ng bata yung 7k para bang pinapalabas niya na binabawasan namin yung sustento.​

Mas lalo lang gusto makuha ng kapatid ko ang anak niya dahil sa tuwing andito saamin ay halos ayaw na bumalik sa nanay niya. Hindi naman sila kasal kaya wala din talaga karapatan ang kapatid ko na kuhanin ang pamangkin ko.

Ano ang masasabi/maipapayo niyo saamin?

Posted May 12, 2026, 8:08 AM UTC

014
Loading comments…