Payag kayo pag ganitong tao ang uupo?
May isang malaking media company na nakabase dito sa Mindanao na sinasabing grabe umano ang pagtrato sa kanilang mga empleyado. Mula sa matataas na posisyon hanggang sa mga ordinaryong manggagawa, marami raw ang nakaranas ng pambubully at hindi makataong pamamalakad.
Nakakalungkot isipin na maraming empleyado ang nagsasakripisyo para sa kanilang trabaho, pero madali lang silang itapon at tanggalin kapag hindi na pabor sa management. Mas masakit pa dahil ang may-ari nito ay nais pang pumasok sa politika at magkunwaring kinatawan ng mga mahihirap at ordinaryong mamamayan.
Kung sa sarili nilang kumpanya pa lang ay hindi na nila mabigyan ng hustisya at respeto ang kanilang mga empleyado, paano pa kaya nila mapaglilingkuran nang maayos ang buong sambayanan?
Kayo, ano ang masasabi ninyo tungkol dito?
Posted May 12, 2026, 2:39 PM UTC