Same old story: bakit ba kasi pag nagka crush, sa straight pa?
Tangina naman kasi eh, iniiwasan ko na nga yung tao. Muted his stories and posts, di na ako sumasali sa hangouts pag alam ko meron siya. Excuse ko nalang sa gc is busy talaga at work dahil transition (totoo naman). For a while, effective naman. Di ko na siya iniisip. That was months ago.
Fast forward to last weekend, pumunta ako sa isang event tapos andun pala siya. Mga beh, gwapo pa rin. Sabay na kami umuwi kasi same route lang kami. Along the way, dami nyang tanong. Kumusta na daw ako, busy pa rin ba ako sa work, kumusta na yung coworker na ni rant ko sa gc weeks ago, ganun. Sabi nya "I noticed di ka na kasi madalas sumasama, eh, so iniisip ko 'ah baka busy pa rin si ----'"
Haaaays, yun na nga iniiwasan ko. Ganyan siya eh, caring, friendly, emotionally available. Walang problema na bakla ako. Nag sesend pa nga yan ng reminders noon na kumain na daw ako, matulog na daw ako. Pag uwi ko, napaisip na naman ako na sarap sa feeling na hinahanap ka pala. I feel so seen, yun nga lang it's from someone na di talaga para sa akin. Back to zero na naman tayo sa tanginang crush na to, yoko naaaa
Posted May 12, 2026, 2:58 PM UTC