Nakakatakot na maging Pilipino
Sobrang nakakatakot na talaga dito sa Pinas. Parang hindi ka na safe kahit simpleng paghinga lang. Despite sa mga nakakatawang nangyari kay Bato and dun sa nangyari kanina na parang feel na feel ni Robin Padilla na nasa action movie ulit siya dahil sa mga paputok at kaguluhan, sobrang lungkot at alarming pa rin ng situation.
Kawawa yung mga ordinaryong tao na nadadamay at natatakot, pero makikita mo sa comments puro jokes, memes, at kung ano-anong irrelevant na sinasabi — especially mga DDS na hanggang ngayon todo defend at samba pa rin sa mga politician na obviously ang daming sinirang buhay.
Like bro, paano niyo pa rin napupuri yung mga taong involved sa extrajudicial killings, “nanlaban” culture, karton, corruption, at pagpapalaganap ng takot sa bansa? Tapos yung mga pulis na dapat nagbibigay ng safety sa tao, sila pa minsan yung kinakatakutan. Ang daming abuso, power tripping, at cases na parang wala namang accountability. Ang hirap magtiwala sa system kung mismong mga taong dapat nagpoprotekta sayo, sila rin yung dahilan bakit takot yung mga tao.
Ang scary kasi parang normalized na lahat. Wala nang empathy yung ibang tao basta protektado idol nilang politiko. Kahit harap-harapan na yung problema, mas pipiliin pa rin nila maging loyal sa mga corrupt kaysa makiramay sa mga biktima.
Nakakalungkot isipin na habang ibang bansa nagmo-move forward, tayo parang palubog nang palubog sa katangahan, disinformation, at political fanaticism. Minsan mapapaisip ka na lang talaga kung may pag-asa pa ba tong bansang to.
Nakakapagod maging Pilipino minsan.
Posted May 13, 2026, 6:29 PM UTC