Galit ba talaga tayo sa kurap o galit lang tayo sa isat isa?

Politics

Sobrang divided ng mga pinoy, di na tayo magkasundo sa kung anong tama o mali.
Kung sinabi siguro ng isang kulay na 1+1=2 may cocontra parin sa kabila.

Kung hindi ba sang ayon sa paniniwala mo mali agad? Kung di ba nila kita yung nakikita mo bobo agad? Ehh pare pareho naman kayong may mga sayad.
Yung maka duterte sumobra na sa pagiging panatiko, binoto nyo talaga si Robin? ano ambag nyan? Pag sinabi ba ng mga Duterte kaylangan nyo talagang sundin? nanalo si Quiboloy sa Mindao ha! Wala na kayong sariling opinion sa buhay?
Yung mga Pink dyan na sobrang tatalino na sumasamba sa mga adik, todo suporta sa mga taong linked sa NPA. Pansin ko tahimik kayo sa nakawan ma impeach lang ang VP ahh. Bulag-bulagan nalang ba basta lang masagasaan yung Duterte?

Galit ba talaga tayo sa mga kurap o galit lang tayo sa isat isa? Di ba pwedeng pareho kayong tama sa mga bagay.x?

Sige nga, pano mo sasabihing mali si Duterte sa isang taga Davao kung nakita nya pano baguhin ni Duterte ang Davao.
Pano mo sasabihin sa isang taga Naga na wag suportahan si Leni eh kita naman nya kung pano mag sakripisyo at mag trabaho ang isang Leni Robredo.

Tangina iba-ibang side lang tayo pero nasa iisang piso parin. Lahat naman tayo ninakawan, pare-pareho naman tayong naghihirap.

Inuubos na po ng administrasyon ang pera ng bayan, sobrang taba na po ng mga congressman. Yung batang kasisilang pa lamang may utang nang 164,000.
Nag aaway pa din tayo tungkol sa nakaraang election? kay Kian? kay Bato? Dami nyong pinag aawayan di na ko nakakapag facebook ng maayos.

Sige po, pag patuloy nyo lang yan. Tangina nyong lahat!!!

Posted May 13, 2026, 8:03 PM UTC

013
Loading comments…