r/pldt•
MosuPH

PLDT Installation Issue

Question

Kakalipat lang namin sa isang private subdivision under Sta. Lucia and nag apply agad kami for PLDT fiber installation. Almost months na pero wala pa rin progress.

According sa subdivision management, may requirements/bonds silang pinapacomply sa ISPs dahil dati raw kung saan-saan lang nagkakabit ng wires ang providers at naging magulo yung wiring sa subdivision. Sabi nila submitted na raw nila yung requirements/compliance sa PLDT at may pending na kailangang asikasuhin si PLDT bago ma-approve installations.

Problem is hanggang ngayon wala pa rin mabigay na timeframe si PLDT despite multiple follow-ups. Hindi lang kami affected, may iba ring residents na same issue.

Nagre-rely lang kami ngayon sa mobile data and sobrang hina ng signal sa area namin.

May naka experience na ba ng ganitong issue involving subdivision permits/compliance and ISP installation delays? Nakatulong ba mag escalate sa NTC?

Posted May 28, 2026, 10:37 AM UTC

10
Loading comments…