Did not meet qualifications

Hey, guys. I just wanna share something and know your thoughts about this.

I have this somewhat 'BIG' problem right now and mga ilang months na rin akong wala sa company na pinasukan ko dahil until now naghahanap pa rin ako ng work. That company became my first job after ko po grumaduate, so wala talaga akong kaalam-alam sa pinaka sistema sa company.

Sinabi naman po kasi noong una na may endo ako. Fast forward: so nang naka 5 months na ako nag good bye na and nagsabi naman na po ako ng mga last transaction.

Nang kinabukasan nag clearance naman ako agad -nag surrender and exit clearance. Ang kaso kasi nang araw lang din na iyon sinabi sa akin na kailangan pala magpasa ng resignation letter para ang kalalabasan eh nag resign ako at hindi na endo. Ang problem lang kasi medyo natagalan ako magpasa ng resignation letter gawa nang family matter and business tapos nagulat ako na ang nilagay na reason daw sa akin ay "DID NOT MEET EXPECTATIONS". I mean problema ko siya kasi na t-track ng employers yung ganito thru sss or mdr.

Atsaka wala naman po kasi akong napirmahan na termination letter para sabihing na disqualify ako. Ito talaga yung pinaka problem ko ngayon kung bakit hanggang ngayon walang follow-up messages sa akin yung mga in-apply-an ko. Natatakot po kasi ako na kapag nag background check, itong reason na ito yung sabihin ng previous employer ko. Kasi ni re-reason ko sa mga in-apply-an ko ay endo ako baka kasi kapag sinabi ko na nag resign ako for the reason that I'm looking for a good opportunity that aligns my values iisipin nila nagsisinungaling ako kasi hindi tugma yung pinagsasabi ko sa sinabi nang nilagay ko sa character reference ko.

Salamat po sa sasagot.

Posted May 28, 2026, 10:45 AM UTC

35
Loading comments…