r/RantAndVentPH•
kaizZer08

Pwede ako naman muna?

Family

(M, Single) Dahil panganay, after ko grumaduate at makatapos, sinuportahan ko yung pag aaral ng dalawa kong kapatid sa college. Thankfully naman nakapagtapos at nakapagtrabaho nang maayos yung isa, kaso yung isa naman nag asawa agad. Malaki pa ang kita ko noon kaya chill lang naman sa pagsupport kahit kasama pa mga magulang ko.

After ng pandemic, umalis ako sa dati kong work at nag downgrade. Medyo mababa ang sahod pero kaya naman. Pinapaaral ko yung pangatlo, at mag 3rd year college na. Yung bunso namin gusto din mag aral sa college (upcoming first year).

Yung pangatlo kaya naman. Nakakapag ipon pa ako, nati-treat ko pa naman kahit sila mama. Yung usapan namin ng bunso, kapag makapasa sya sa state uni susuporta pa rin ako. But result came, tas di sya nakapasa. Gusto na mag enroll sa private.

Pero nung nacompute ko na ang mga gagastusin, hindi ko pala kayang pagsabayin silang dalawa. Halos wala nang matitira sa akin. Hindi rin ako maask ng assistance dun sa isa kong kapatid dahil may sariling pamilya na. Apparently, sa kuya na iaasa ang lahat.

Though hindi naman ako pinipilit ng magulang namin na magpaaral, I still feel this sense of responsibility. Kaso nagpaplano pa rin naman akong mag-ipon,magsettle, mag asawa. Now, naguguluhan ako kung paano ko sasabihin sa bunso ang sitwasyon at kung pwedeng magstop muna sya kahit 1 year. Dahil gustong gusto talaga nya magcontinue ng college at pakiramdam nya, hindi siya namin sinusuportahan kapag napapahapyawan yung issue ng pag aaral nya sa college.

Hirap ng breadwinner.

Posted Jun 2, 2026, 1:09 PM UTC

41
Loading comments…