Phase lang ba ito or incompatibility na?
Problem/Goal:
Need ko lang ng honest advice.
25M ako at 27F naman girlfriend ko. 3 years na kami at mahal naman namin isa't isa. Mabait naman siya at marami rin akong na-appreciate sa kanya, Pero lately pakiramdam ko sobrang hirap na ng relationship namin.
Ako yung tipo ng tao na mahilig magplano para sa future, magtipid, magbasa ng books, at mag-isip ng long-term. Siya naman mas emotional at mas nakabase sa nararamdaman niya sa moment. Doon madalas nagsisimula yung mga conflict namin.
Isa sa pinakamalaking issue namin ay communication. Kapag may concern ako tungkol sa pera, future, o behavior namin sa relationship, madalas feeling niya pinapangunahan ko siya o minamaliit ko siya. Sa side ko naman, pakiramdam ko hindi siya open makinig at mabilis magalit kapag may bagay na hindi niya gusto marinig.
Isa pang napapansin ko, kapag may away kami, hindi pagkakaunawaan, o may sinabi akong hindi ko nagustuhan sa ginawa niya, madalas akong ma-silent treatment. Minsan pakiramdam ko imbes na pag-usapan yung issue, pareho lang kaming lalong lumalayo sa isa't isa.
Ang pinakamahirap para sakin ay yung sobrang galit niya minsan kahit sa tingin ko maliit na bagay lang yung pinagmulan. Madalas nauuwi sa sigawan at paulit-ulit na cycle ng away, samaan ng loob, paghingi ng tawad, tapos mauulit ulit pagkatapos ng ilang linggo. Yun ang pakiramdam ko kaya hindi naggo-grow yung relasyon namin.
May isa pa akong iniisip. Possible bang malaki ang epekto ng past trauma niya sa family at sa paraan ng pakikitungo niya sa akin ngayon? Depressed at sobrang stressed din kasi siya sa buhay. Aminado rin ako na hirap akong i-handle siya kapag nasa depressive episodes siya o kapag sobrang overwhelmed siya emotionally.
Lumaki rin siya sa isang liblib na lugar sa Quezon Province at marami siyang pinagdaanan sa buhay bago kami nagkakilala. Minsan iniisip ko kung may epekto rin ba yung family environment, mga naging karanasan niya, trauma, depression, at stress sa paraan niya ng pagharap sa emotions, conflict, at relationships.
Recently nag-cool off kami dahil pareho na kaming emotionally exhausted. Habang may distance kami, napapaisip ako kung relationship problem lang ba ito na maaayos pa, o baka incompatibility na talaga.
Mga tanong ko:
-
Gaano kalaki ang epekto ng childhood/family trauma sa adult relationships?
-
Possible bang trauma, depression, at stress ang dahilan kung bakit hirap siyang mag-handle ng emotions at criticism?
-
Yung pagiging sobrang galit, silent treatment, at paulit-ulit na cycle ng away, phase lang ba ito na puwedeng maayos o sign na ng incompatibility?
-
Paano mo malalaman kung pagod ka lang sa relationship o unti-unti mo nang natatanggap na hindi kayo compatible?
-
Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, ipaglalaban niyo pa ba o mag-iisip na kayo ng ibang direksyon?
Gusto ko ng honest opinions kahit hindi pabor sakin. Salamat.
Posted Jun 2, 2026, 1:15 PM UTC