Exploring dating at 37 made me realize I’m open to a lot of things, but I still have preferences I can’t ignore.

Share ko lang.

37M here. Never pa nagkaroon ng boyfriend. Never pa nakipagdate.

Lately, nasa exploration era ako. Siguro partly dahil nasa "YOLO" phase na rin. Tipong magugunaw na rin naman ang mundo bakit di ko pa subukan yung mga di ko pa natry or nagagawa. Parang after years of being careful, overthinking, and staying in my comfort zone, naisip ko na baka oras na para ilagay ko naman yung sarili ko out there. So far, okay naman ang exploration, may mga natry na kung anu ano. Pero ngayon parang gusto ko maghanap ng constant lang. Para maalis din yung worry about sa mga sakit at kung anu ano pa.

So ayun. I posted about what I'm looking for sa isang sub. Madami rin nagreach out. Mostly younger guys (not minors). Inentertain ko naman. Okay ang mga usapan. Kaso maraming budol. Haha. Budol na tipong kung di ko pa tatanungin ng kung anu ano di ko pa malalaman an in a relationship pala. At iba pang klaseng budol. Pero marami rin namang okay. Mababait, interesting kausap, may substance, may potential.

Akala ko kasi kaya ko nang i-push yung sarili ko na magbigay ng chance kahit hindi ko gaanong type physically. Alam mo yun, mature na tayo, hindi naman puro looks dapat. Akala ko kaya kong sabihin sa sarili ko na "potential naman ito, tingnan natin."

Pero hindi pala.

Kapag dumadating na sa point na pwede nang mag-level up, parang kusang humihinto. Hindi dahil may mali sa kanila. Minsan nga sila pa yung green flag. Hindi lang talaga sila pasok sa preference ko.

At first, feeling ko ang babaw ko.

Pero habang iniisip ko, baka hindi naman. Hindi rin naman ako hulog ng langit. Average guy lang din naman ako trying to find someone. Baka below average pa nga to some. Pero I think alam naman yung worth ko, at alam ko rin kung ano yung gusto ko.

Naisip ko rin, baka kaya hindi ko mapilit sarili ko kasi at the back of my mind, alam kong may risk lagi kapag nag-open up ka sa isang tao. Kapag masasaktan ka rin lang, eh di doon na sa tingin mong worth it sugalan.

Ang dramatic pakinggan. Haha. Again, sorry kung ang babaw. As a wala pa gaanong experience talaga sa dating, I'm just being honest with how I feel and what I think right now.

Pero siguro yun yung isa sa mga weird realizations kapag nasa late 30s ka na at ngayon mo pa lang talaga sinusubukang mag-date. Akala mo marami ka nang alam tungkol sa sarili mo, tapos may mga bagay ka pa ring madi-discover.

Curious lang ako. May naka-experience na rin ba nito?

Yung gusto mong maging open-minded. Gusto mong lampasan yung checklist mo. Pero sa huli, bumabalik ka pa rin sa preferences mo kahit gaano mo pa subukang i-convince yung sarili mo otherwise? Yes, merong areas na nagiging open ka, pero meron pa rin talagang strict ka na dapat ganito, di pwedeng i-shortcut.

Anyway, aasa na lang sa organic encounter. Isang malaking good luck as a di masyado lumalabas na tao, kung lumalabas man parang lagi nakasimangot. Hahaha.

Siguro I'll explore on my own lang din muna. Kaya naman, hindi naman requirement na may kasama. hindi rin naman kailangan puro about relationship lang ang exploration. And maybe, I'll learn more about myself as I explore more things on my own.

Wala lang, share ko lang.

Posted Jun 3, 2026, 1:37 AM UTC

204
Loading comments…