Anyone else date multiple people before becoming exclusive?
F32, single.
Currently dating two guys and pareho naman nilang alam na hindi lang sila ang ka-date ko. Hindi naman exclusive with either of them and so far wala pa akong natatapakang boundaries.
Yung isa kaedad ko. May isang anak pero never married. Mature kausap, calm, responsible, at parang siya yung type na pwede mong dalhin kahit saan at makakasundo ng lahat. Mga 2 months palang naman kaming magkakilala.
Yung isa naman mas bata sakin ng 5 years. Medyo nauna ko lang sya nakilala ng 1 week kaysa doon sa isa. Mas playful, mas expressive, at medyo clingy. Siya yung tipong magtetext ng random updates throughout the day at hindi nahihiyang sabihin na nami-miss ka niya.
The thing is, attractive naman silang pareho and I have chemistry with both.
For context, I live alone, independent, and wala naman akong pressure mag-settle down agad. I'm genuinely just getting to know them. Wala pa ring nangyayaring physical beyond normal dating stuff. Kahit na medyo may mga sexual tension ay nagpapaka dalagang Filipina padin kahit papano.
Confession ko lang: habang iniisip ko kung sino ang mas gusto ko, napapaisip din ako kung dapat ba akong mag-guilty na medyo naeenjoy ko yung situation. Haha
Not because they're competing or anything dramatic. More like... it's nice being pursued, nice having meaningful conversations with different people, nice feeling wanted. And technically single naman ako, so wala naman akong niloloko.
Pero minsan naiisip ko rin kung selfish ba yun. Like, should I already know who I like more by now? O normal lang na mag-take ng time before deciding?
Sa mga naging single and actively dating before, how did you know it was time to stop exploring and choose one person?
Posted Jun 3, 2026, 11:50 AM UTC