journ student na gustong maging playwright
hello po! bago lang po ako sa sub na to and based nga po sa title isa po akong graduating journ student. since last year naiisip ko na mag-aral or mag-transition sa creative writing. sa una po ang gusto ko lang is magsulat ng maikling kwento o kaya nobela, pero last march nagstart ako mag-intern sa CCP and nalaman ko po through my internship kung ano yung VLF. ang alam ko lang kasi talaga is Cinemalaya. so ayun nga po, nagresearch ako about VLF and was able to interview yung ibang playwright. super naging interested po ako sa theater at playwriting tapos napanood ko pa yung tdr ng VLF. grabe na-amaze talaga ako like ganoon pala siya ka-intimate?
nagresearch po ako about theater and playwriting kaso wala masyadong available na materials in filipino. wala rin po masyadong mahanap na example ng mga script na pwede kong maging guide dahil nga wala akong background sa theater at playwriting. i know may VLF fellowship at meron ding The Writer's Bloc kaso meron po bang available online ng mga script or lecture about intro to playwriting? baka meron din po sa inyong makakatulong sakin at makakapagbigay ng feedback sa mga gagawin ko in the future?
gustong gusto ko po talaga matutong magsulat ng dula. i'm writing right now pero hindi ko talaga yung ginagawa ko. ayun lang po and thank youuu.
Posted Jun 3, 2026, 1:23 PM UTC