Delayed na Sahod ng CoS sa DepEd Central Office
Pa-rant lang. Sobra na.
Nakakapagod na rin talaga yung sistema ng sahod sa DepEd Central Office. May mga pagkakataon na yung salary para sa isang buwan ay sa susunod na buwan mo pa mare-receive. Halimbawa, yung sahod ng May, June na dumadating.
Isa sa mga dahilan nito ay yung haba ng proseso bago pa ma-process ang payroll. Kailangan munang ma-approve ang EHRIS bago ka makapag-proceed sa next step. Pagkatapos nun, kailangan mo namang i-submit ang Accomplishment Report (AR) at DTR para mapirmahan ng immediate supervisor o chief.
Sa ibang offices, hindi pa doon natatapos kasi kailangan pa itong dumaan sa director for approval. Kapag kumpleto na ang mga pirma, saka pa lang ito mapapasa sa mga offices na nagha-handle ng payroll processing.
Mas tumatagal pa ang process dahil may mga documents na kailangang umikot sa iba't ibang offices sa dalawang locations ng DepEd—Pasig at Makati. Dahil dito, nadadagdagan ang approvals at signatories na kailangang hintayin bago tuluyang ma-process ang payroll.
May mga pagkakataon ding ilang araw na natatambay ang payroll documents sa isang office pa lang bago maipasa sa susunod. Minsan palakasan pa. Kaya kung beneficial ka sa mga office na nag pa-process ng payroll—swerte ka. Kaya habang tumatagal ang bawat step, mas lalo ring nade-delay ang release ng sahod.
Nakakadismaya lang kasi parang wala namang nakikitang long-term solution para mapabilis ang proseso. Sa halip na mabawasan ang mga requirements at approvals, parang mas dumadami pa ang mga kailangang daanan kaya lalo lang humahaba ang waiting time.
Ang hirap lang isipin na pinagtrabahuhan mo naman nang maayos yung isang buwan, pero kailangan mo pang maghintay nang matagal bago mo matanggap yung dapat naman talagang on time na sahod.
Minsan tuloy parang kapag dito ka nagwo-work, yung mga plans mo napo-postpone rin kasabay ng delayed na payroll. Yung mga pangarap mo, nagiging literal na "pangarap muna" habang hinihintay mo yung sahod.
Share ko lang. Hindi lang naman ito para sa akin, kundi para rin sa ibang CoS employees na nakaka-experience ng parehong sitwasyon.
P.S. Nag-aapply naman na rin ako sa ibang trabaho. Siyempre, hindi rin naman ganun kadaling makahanap ng bagong work sa panahon ngayon, pero at least I'm trying and exploring other opportunities.
Posted Jun 4, 2026, 12:54 AM UTC