Too much resentment for my family
Araw-araw, palala nang palala yung resentment ko towards my family, lalo na sa nanay ko. Sa buong buhay ko, I’ve always been the “kind” kid, never nagpasaway, palaging sumusunod sa utos, at academic achiever din. Pero parang lahat nang yun hindi sapat sa mama ko.
Pagdating sa kapatid kong nagnanakaw ng pera pang-sugal at sa mabisyo kong kapatid, sobra-sobra ang pasensya nya. Talagang pinagtyatyagaan nya para lang tumino sila (which never happened). Pero sakin, kahit financially independent naman ako pagdating sa gastos ko, disappointed na disappointed pa rin siya sakin. Ramdam na ramdam ko na hindi talaga ako yung favorite eh. Nung birthday ko last year, ninakawan ako ng kapatid ko ng 3k na gagastusin ko dapat pangcelebrate ng birthday ko with them, pero pinapunta nya pa rin yung kupal kong kapatid nung kumain kami sa labas. Nung time na inaaway ko yung kapatid ko kahit sobrang bastos ng bunganga at sinasagot-sagot siya, ako pa rin yung napapagalitan kasi ako yung “mas matanda.”
Recently lang, nagtalo kami kasi napapansin nya na naman yung pera ko, kesyo di raw ako masyadong nag-aambag sa bahay, which I contribute naman, sinumbatan nya ako na parang lagi daw akong kapos sa pera eh wala naman daw akong masyadong binibili. Aware ako na may mga maling desisyon ako sa finances kaya inuunti-unti kong bayaran lahat ng utang ko, pero aside don ako na yung nagsusupport sa sarili ko. Mula tuition hanggang personal needs, ako na lahat. Never na akong nanghingi ng pera sa kanila pero laging yung paggastos ko pa rin yung napapansin.
Ngayon na I’ll be turning 24, sobrang naging vivid na yung memories na I was never the favorite. Palaging binubully, palaging isinasantabi. My 4 other sibling were cared for, nurtured, at palaging asikaso pero ako lang yung hindi. I feel depressed pag nasa bahay ako lagi, at lumala yung resentment ko sa kanilang lahat.
I really want to get out of this house. Matapos lang talaga yung internship ko, I’ll get serious into saving money para makaalis na ako. Nakakalungkot maramdaman na mag-isa ka sa sarili mong pamilya.
Posted Jun 4, 2026, 12:55 AM UTC