Nagkakasakit tuwing may occasional event

General

Nilalagnat nanaman ako kase training ko na sa work. Sa apat na company na napasukan ko tuwing training lagi akong may sakit. I remember pa sa unang company ko call center voice literal na inaapoy ako nang lagnat tapos walang boses kaya di rin ako makajoin nun sa mock call kaya ngarag ako sa day nang official taking calls.

Sobrang nakakainis kase hindi naman ako pwede mag sick leave ayoko rin kase ayokong makamiss nang day tuwing training baka mamaya may important info na idiscuss tapos wala ako. Hindi ko rin binibaby yung sakit ko as much as possible, I'm trying my best na wag maging bedridden 😭

Tuwing birthday ko rin lagi akong may sakit HHAHAHAHA ano bang meron sa universe na tuwing ganitong event nang buhay ko lagi akong may sakit 😫

Posted Jun 5, 2026, 4:42 AM UTC

00
Loading comments…