Live in kami ng boyfriend ko and gusto ng tatay kong sumama samin pero at the same time kami ang bubuhay sakanya what should i do?

Love & Relationships

Problem/goal: Live in kami ng boyfriend ko and gusto ng tatay kong sumama samin pero at the same time kami ang bubuhay sakanya what should i do?

Context: Ilang months na rin kami live in ni bf, graduate na sya sa college and working na. while me nag aaral palang. ever since naman naglive in kami ng bf ko sinabi nya sakin na willing sya tulungan ako especially sa pag aaral ko kasi nga financially unstable yung mom ko and yung father ko ayaw mag trabaho andaming dahilan. so as of now bf ko po talaga ang nag po provide pero tumutulong din naman si mama kahit may iba na syang kinakasama. ang pinaka prio din kasi namin ngayon is matapos ko muna yung pag aaral ko para pag natapos na ko matulungan ko narin bf ko sa mga gastusin at bayarin. kaya naman nag pupumilit sumama samin yung father ko kasi nga raw hindi sya sanay sa province eh wala na raw syang matutuluyan dito sa manila. but the problem is if sumama sya samin wala syang work means mas mapapalala yung gastos ng bf ko and ayoko rin naman ng ganon. as of now naghahanap na kami ng malilipatan para mas malapit sa school ko pero nag pupumilit talaga father ko sumama samin and ganon din sinasabi ni mama na isama daw namin kasi kawawa naman daw wala raw trabaho at matutuluyan since ayaw nga daw sa province. isa pa they know na may sama ng loob talaga ko sa father ko pero bakit pinipilit parin nila gusto nila? kami pa nga lang dalawa nahihirapan na din kami what more if may isa pa? it frustrates me a lot knowing even before sobrang pabigat nya na and he doesnt even want to help himself either. what should i do? pls share ur thoughts pls po.

Posted Jun 5, 2026, 4:47 AM UTC

139
Loading comments…