Expenses if you're planning to review in Sampaloc, Manila
Disclaimer: Ito ay base lang din naman sa experience ko, at sa mga kwento ng co-reviewees ko at kaibigan ko. Pwede niyong gawing basis, pwede rin namang hindi hehe I just really want to help especially yung mga probinsiyano't/probinsiyana rin like me na lumuwas at sumugal sa Manila HAHAHAHA
Rent - 5k-6k max (magandang dorm na ito kapag ganito, usually, may space na for table kung sa dorm ka magsustudy) Meron din diyan, mga 2.5k-3.5k, sa UCBR meron, building ito mismo ng REO, sa Ventura Residences din sa tapat ng UM, marami pa sa may Gastambide, meron din sa PJAC pero ito yung mga malalapit sa REO/ReSA, wala kasi ako masyadong alam sa CPAR/Pinnacle kasi hindi ako nagagawi doon ay. I suggest kung talagang tight ang budget natin, pede kayo kumuha ng tig 2.5k-3.5k na bedspace lang talaga, tapos maximize niyo yung time na open ang studyhub ng REO/ReSA para doon na lang kayo mag-aral for the whole day (Thank you ReSA sa studyhub!!). Ang alam ko hanggang 8pm ata ang REO, tapos 6pm naman ang ReSA studyhub. Sa gabi, pwedeng gawin niyong recall na lang ng lahat ng na-aral niyo kung hindi kayo sanay sa kama mag-aral. Atleast pag recall, medyo magaan. Pero pede rin sanayin niyo na mag-aral HAHAHA
So far ito yung mga alam kong dorms sa Manila with their rates:
- Forbes Hall - 5,500 per pax (3 person per room; hanap kayo unit owned, 6.5k+ kapag forbes hall admin mismo kayo rerent eh. Mas mura rin kung mas madami kayo sa room like 4/6/9 per room).
- Crown Tower - 5,500 per pax (4 person per room)
- Hipstercity Dormitelle - 4,500 per pax (4 person per room)
- UCBR - madami to silang inooffer na rooms, pero meron silang parang 3k ata or below sa mismong building ng REO)
- PJAC Dormitory - 3,500 per pax
- Ventura Residences - 3,500 per pax
- University Pad - 6.5k per pax (6 persons per room)
Try niyo rin humanap sa may Gastambide sa may UM na part kasi marami dong room for rents na baka mas mura.
Utilities (wifi, water, electricity) - 1,500 per person total na yan pero minimum siguro depende sa building. Meron kasing mga dorms na malakas kumunsumo ng kuryente kaya ang laki ng bill nila lalo na ang aircon. Sa forbes hall, tatlo kaming naghahati, never naman lumagpas ng 1,500 yung total per person na binabayaran namin sa kuryente though mataas pa rin talaga siya considering na from 8-6pm, wala kami sa dorm araw araw. For context siguro ng breakdown: Water - 150 per person Electricity - 600 - 800 (2.3k pinaka mataas na bill namin) DITO Wifi - 267 per person (800 unli load)
Food - 1,000 minimum per week (gusto ko sanang gawing 500 per week para sa mga tight budget lang katulad ko noong nagrereview ako pero hindi talaga siya kaya huhu ikaw na lang maaawa sa sarili mo kasi puro ka delata. Kaya siya kung itlog, noodles, konting frozen, delata lang kakainin mo buong review pero teh, kawawa naman katawan mo huhu sobra sobra yung pagtitipid na gagawin mo kung 500 lang allowance mo for food every week. Sa 1,000 siguro may konting hinga ka na diyan kahit paano, makakabili ka ng panghimagas man lang ganiyan. Pero kaya mo na mabuhay sa 1k na budget for food every week. Pwede ka na bumili ng gulay sa karinderya para hindi ka naman masyadong delata. Pede ka na rin niyan mag fast food once a week kung may mag-ayang kaibigan sa review to distress. Mas maganda kung walking distance lang talaga yung titirhan mo na dorm para hindi mo na kailangan mamasahe, ilaan mo na lang sa pagkain. May mga budget meal karinderya din na malapit sa REO/ReSA, 55 pesos solve ka na isang meal kung ayaw mo magluto. Kung kaya naman taasan pa sa 1k, taasan pa kasi grabe mangdrain ng energy ang review lalo na kung aattend pa kayo ng f2f, kailangan niyo talagang kumain to replenish your energy. Huwag matakot tumaba, okay lang yan, lisensiya naman ang kapalit niyan. Pede ka naman magpapayat after ma-secure ang license. Huwag tipirin ang sarili lalo na sa pagkain. Okay lang wag muna mag-aircon or magwifi (punta na lang sa studyhub hahaha), ang hindi okay ay ang magutom, okay???? Sarili mo ang kakampi mo diyan kaya alagaan nang maayos.
Miscellaneous Ambagan - 5,000 max na yan per person. Para yan sa mga amba-ambagan niyo kung hindi pa fully furnished yung room niyo at walang rice cooker, walang initan ng tubig, walang lutuan, walang water jug, walang map, walang walis tambo, walang basurahan, walang basahan, walang wifi router. Yang mga yan commonly ang binibili at pinag-aambagan. Kung fully furnished naman na yan, edi kahit wala na yan sa budget niyo. Kung merong kaya magdala, much better kasi wala na kayo aambagan.
Tablet (optional) - 20k max na yun kasi may mga tablet na 10-15k okay na, 6 months mo lang naman gagamitin. Pwede ngang wala na 'to kung kaya mo naman manuod sa phone or may laptop ka naman. Recommended lang siya kasi kung papasok ka, atleast tablet na lang dala mo. Yung tablet na ginamit ko, 15k siya, oks naman, yung sa kaibigan ko, 10k okay lang din. Same same naman na kayang magfunction for note taking. Ang cons lang niya kapag real test paper na, parang may muscle memory ka ng pagzozoom ng screen na pati yung test paper gusto mo na i-zoom hahahaha
Move in Expenses - Gumawa na rin ako diyan nung minimum amount na kailangan meron ka kung magmomove in ka na. Pede pa yang bumaba depende sa rent ng dorm mo, at syemore depende kung magkano yung mapagaambagan niyo sa mga gamit na kailangang bilhin ng mga ka-dorm niyo.
Ayun lang, sana makatulong ito sa mga fellow reviewees ko! I want to give back dito sa reddit community kasi grabe naging tulong niyo nung kami naman yung nagsastart magreview hehe pag di alam, punta agad sa reddit HAHAHAHA
Posted Jun 5, 2026, 4:48 AM UTC