SKL - Sinabawang isda na may malunggay

Share ko lang guys 3 kaming panganay na magpipinsan sa mother side. Yung pinakamatanda 1 yr older lang tas kaming 2, 2 days lang pagitan. I grew up in a christian family, na nagpepray talaga every meal bago lumapang tas bawal tumawa tawa pag nagpepray. Strict yung lolo ko sa mother side, na pag tumatawa tawa pag nagpepray papaluin ka. One time kakatapos lang namin maligo na tatlo 7 at 6 yrs old kami neto, ayun naghiraman kami suklay tas yung pinakapanganay na yung nagamit ng suklay. Bigla nyang ginamit yung suklay pang turo kay lolo eh nagpepray si lolo nun kasi kakain na sya nagets namin agad yung gusto nyang gawin HAHA. Ginawa nya te, binato nya yung suklay kay lolo tas what the heck! Sumakto yung suklay sa mangkok na may sinabawang isda at may malunggay, saktong pagkabato namin at pagkashoot nung suklay nag amen yung lolo namin. Ayun pagkatingin nya sa mangkok nya may suklay na huhuhu, takbo kami agad pero dahil hindi naman kalakihan ang bahay nasinturon kaming tatlo HAHA. Tas pinagalitan ni lolo yung mga anak nya na bakit daw ganon kami. Sorry na lo, impulsive thoughts lang namin yun ng kabataan. Ayun ang aking share ko lang, since sinabawang isda na may malunggay ang ulam namin naalala ko bigla natatawa tuloy ako. Okay bye! Haha

Posted Jun 5, 2026, 4:48 AM UTC

70
Loading comments…