I don't know if I should cut her
Problem/Goal: Inaakit akong lumabas para lang pala maki-swipe sa card ko.
Context: I have this friend, actually we consider each other best friends. Walang problema sakin kahit every labas namin dati is card ko ang gagamitin, shopping, eating or what. Lagi din naman syang nag babayad on or before due date. Pero una na kinainis ko, pag lumalabas kami or bonding hihirit ng mag-gogrocery sya and pa-swipe daw sa card ko so okay fine. ilang beses na nangyari then nung nagyaya ulit sya sinabihan ko na na kung ang ending is magogrocery na lang ulit sya is wag na kasi ansakit ng paa ko sa heels. So lumipas na, last year nag sabi sya sa makiki-swipe ng Iphone nya, di ako pumayag kasi sabi ko di na abot sa limit ko and may pagagamitan ako, di din pwede na 2 years to pay, hello? Tapos netong nakaraan nagsabi ulit na makiki-swipe ng iphone pang gift sa pamangkin ata. Still tumanggi ako kasi imagine lalabas lang kami para doon and paggamit sa card ko? And now akala ko genuine yung pagyaya sa labas kasi nag out of the country ako this year 2 times, so pumayag ako pero guess what? makikiswipe lang pala ulit ng pang-gift sa nanay. Sobrang na-offend ako kasi nasa office ako ngayon and sabi ko mga 7-8 pm kasi syempre alangan di ako mag-rest after office. Tapos yun pala makiki-swipe lang pang gift then konting oras lang and uuwi sya sa kanila. So prinangka ko na akala ko gusto nya bonding yun pala gagamitin lang card ko para lumabas. To think na kelangan ko pang mag-grab pagpunta at pagbalik. Wow just wow, I felt super offended and being used.
Previous Attempts: Etong pag sabi ko sa kanya.
Posted Jun 5, 2026, 4:53 AM UTC