r/phcareers•
wheeggomo

Kinakabahan ako sa bagong work ko

Casual Topic

Writer ako sa bago kong trabaho. Wala kong previous experience as a writer aside from my courseworks nung college.

To give you a context, during the application process ginawa ko naman lahat ng mga exams or assessment that they needed to test my skills and abilities. Nung ininterview ako inask din ako if ano usually mga binabasa kong libro or ano yung madalas kong isulat. And I answered everything truthfully naman. Hindi ko din masyadong binuhat sarili kong bangko at sinabi ko na mas familiar ako with specific type of writing style (which is hindi yun yung heavily expected sa position ko ngayon).

Kinakabahan ako while having the orientation because of the expectations from me such as dapat ako daw sa team pinaka may magandang grammar or vocabulary (which I think is fair to expect naman). Pero kinakabahan ako kasi baka may times na hindi ko alam ano isusulat ko.

Natatakot ako kasi ang hirap maghanap ng trabaho ngayon at baka mamaya tanggalin na lang ako kasi baka makita nilang incompetent pala ako.

Paano ko kaya maaddress yung ganito sa boss ko? Baka may tips kayo? Ano kayang pwedeng gawin to improve or what?

Posted Jun 5, 2026, 4:58 AM UTC

52
Loading comments…