Napakabulok ng sistema ng Philsys
Pa-vent out lang ng frustration ko sa National ID na yan. Kanina lang nagpunta ako sa registration for national ID, only 50 person per day lang ang tinatanggap kaya inagahan ko ang punta. Pumila ako ng maaga para makapag pa register ULIT kasi hindi pa dumadating yung national ID ko na pinaregister ko last September 2021. Ang thinking ko is forfeited na sya since wala sa egov app ko or walang lumalabas sa verifier website ng Philsys. Nung ako na yung magpapa register kinlaro ko kay sir kung paano kapag nga nakapag pa register na pero walang lumalabas sa verifier at egov, chineck niya sa system and registered naman daw kaya lang walang picture, so sabi ko bakit walang photo eh nung nagparegister naman ako kinuhanan ako ng picture, ang sabi niya lang sa akin is need daw i report at need hanapin yung laptop na ginamit pang register sakin. Tinanong ko si sir kung hindi ba pwedeng retake ng photo na lang, unfortunately hindi daw. So ngayon hahanapin pa ng Philsys kung saang lupalop ng Pilipinas napunta yung ginamit na laptop pang register sa akin to think na 2021 pa yun. Ang pinaka nakaka dismayado pa don ay wala kang ibang magagawang paraan para magka national ID kung hindi mag intay na mahanap nila ang record mo. Mas ok pa ang postal ID na ang dali makuha at maganda pa ang pagkakagawa. Lintek na National ID yan primary ID nga nabubura naman ang picture. Mas ok pa magbayad ng fee like Postal ID kung maganda naman ang pagkakagawa ng ID at hindi hassle. Jusko talagang gobyerno to.
Posted Jun 5, 2026, 4:58 AM UTC