GF is considering breaking up with me because of family issues. Na-explain ko na side ko pero sabi niya hindi raw mababago nun decision niya.
Need advice lang kasi medyo lost ako ngayon.
Recently, bumisita ako sa girlfriend ko para makita at makausap siya. Hindi ako pumunta para magmakaawa o pilitin siyang magbago ng isip. Gusto ko lang talaga siyang makita at ma-explain yung side ko. After nun, napansin ko na inunfollow niya ako sa isa niyang private account, which honestly hurt kasi hindi ko inexpect.
Isa sa mga naging issue namin is yung comparison between her family and mine. Mas open at mas flexible yung family nila, habang sa amin medyo strict pa rin. Kahit college na ako, napapagalitan pa rin ako kapag late umuuwi. In fact, nung araw na bumisita ako sa kanya, pag-uwi ko pinagalitan agad ako ng nanay ko dahil gabi na.
Inamin ko rin sa kanya na may pagkukulang talaga ako sa updates. Hindi lang sa kanya kundi kahit sa sarili kong family. May times na hindi ako sumasagot sa calls or messages kaya nag-aalala sila. So naiintindihan ko rin kung bakit siya naiinis sa part na yun.
Sinabi ko sa kanya na naiintindihan ko kung bakit niya kino-compare yung family namin, pero magkaiba talaga kami ng situation. Sa kanila, mas may freedom at support pagdating sa mga lakad. Sa amin naman, may financial at family limitations na wala pa akong masyadong control dahil student pa lang ako.
Sabi ko rin na kahit may boundaries yung family ko, hindi ibig sabihin na ayaw nila sa kanya. Actually supportive naman sila, pero priority lang talaga sa kanila na makatapos muna kami ng pag-aaral bago maging mas independent.
Nag-open up din ako tungkol sa mga realizations ko. Inamin ko na may mga pagkakataon na naging emotionally weak ako at masyado kong dinamdam yung mga nangyari. Sabi ko sinusubukan kong maging mas mature, mas patient, at mas capable humarap sa problems instead na magpaapekto agad.
Ang sabi niya naman, naiintindihan niya lahat ng sinabi ko. Pero hindi raw ibig sabihin nun na magbabago yung decision niya.
Sinabi ko na naiintindihan ko rin yun. Hindi ko naman sinabi lahat para pilitin siyang magbago ng isip. Gusto ko lang sana na maintindihan niya kung saan ako nanggagaling at kung paano ko tinitingnan yung sitwasyon.
The problem is mahal ko pa rin siya at gusto ko pa rin siyang makasama in the future. Pero ayoko rin namang maging selfish o pilitin siya kung decided na siya.
Sa mga naka-experience na ng ganito, kapag sinabi ba ng partner niyo na naiintindihan niya yung side niyo pero hindi na mababago nun yung decision niya, may chance pa ba na maayos yung relationship? O sign na ba yun na kailangan ko nang tanggapin at mag-focus na lang sa sarili ko?
Posted Jun 6, 2026, 3:29 PM UTC