Share your experiences..
Hello. I’ll start po sa akin.
Nangyare lang ng mabilisan to. Nag start ako sa sobrang baba siguro po nasa 15k all in lang talaga nagamit ko at nabayaran ko naman po yuon. Kaso eto na dumating na yung tinatawag na nag tatapal ka tapos every week ang due. Dun na po nag start ang problema ko.
Dumami siya pero less than 10 na apps na illegal. Oo kasalanan ko po ito, aminado ako. Pero hindi ko na po kaya mag tapal dahil palaki ng palaki. Wala naman po ako nakukuha din sa mga yun kasi nga napapaikot lang.
Nag start na mang harass sa akin today.. meron pa ko darating na mga OD sa darating na araw kaya po hinahanda ko na sarili ko. Sobrang sising sisi po ako. Gusto ko sila bayaran lahat pero grabe na po harassment. Kung sa totoo po nabayaran ko na yang mga yan sa laki ng tubo nila. Grabe nadin po, di po ako maka tulog. Nag papalpitate ako from time ti time.
Naka deactivate po FB ko, gumawa ako isang dummy acocunt pang check lang kung na popost ba ako.
Please share your experiences po sa mga nakawala na sa gantong sistema. Gusto ko lang po makarinig ng same situation. Down na down na po ako.
Posted Jun 7, 2026, 4:34 AM UTC