Funny birthday kwento

Dahil birth month ko na, hindi ko pwedeng makalimutan 'tong funny birthday story ko.

2015 pa ito nangyari. Birthday ko ang sinundo ako ng bf ko that time sa Cubao. Bago kami pumila sa bus terminal, dumaan muna kami sa Goldilocks kasi inutusan daw sya ng lola nya para bumili ng cake. Bilang asyumera ako, inisip ko para sa akin yung cake. Na baka ginu-goodtime lang nya ako pero para sa akin pala yung ipapagawa nya. Nung nandun na kami, ako pa yung pinapapili nya kung anong cake, pero sya yung nagsulat sa papel ng dedication. Hindi ko tiningnan sinulat nya para kako ma-surprise ako, kasi nga iniisip ko para sa akin yun. Nung natapos na yung cake, pinakita na sa kanya. Sumilip ako konti so nabasa ko nakasulat, "Happy Birthday, E..." Hindi ko nabasa yung kasunod na letters nung E, basfta yung ang start ng name. Kinilig na ko kasi sa E din nag-start name ko. Asyumera eh. Hahaha. Punta na kami sa bus station. Sumakay na. Ako pa may hawak nung cake ah. Kandong ko pa sa bus. Ingat na ingat ako.

Pagbaba sa bus, sabi nya hindi na daw nya ako mahahatid sa bahay namin. Nauna ako sumakay ng tricycle. Sabi nya, yung cake daw. Kinukuha nya sa akin. Medyo naguguluhan ako pero inabot ko sa kanya. Di na ko nagtanong then umalis na yung tricycle. Pagkauwi ko, confused pa rin ako bakit nya kinuha sa akin. After ilang hrs, nagbbrowse ako sa FB, nakita ko post ng nanay nya nasa birthday. Nandun yung cake! Pinabili lang pala talaga kay bf ng lola nya yung cake para sa isa nyang lola na nagsisimula rin sa E yung pangalan! Hindi pala talaga para sa akin! Hahaha. Nag-assume lang pala talaga ako. 🤣🤣🤣

Posted Jun 7, 2026, 4:34 AM UTC

177
Loading comments…