Nawalan ng clients matapos isakripisyo ang ibang opportunities
Alam nyo yung feeling na mas pinipili yung serbisyo na inoffer mo kapag mababa lang yung kaya nilang ibayad pero kapag may pang bayad na sila ng sapat or kung kelan may mas magandang opportunity na ay sa iba na nila ibibigay yung work na akala mo sayo kasi nag tyaga ka na maliit lang muna ang bayad sayo sa umpisa eh thinking na pag inalagaan mo yung client nato may mapapala ka din in time and yun din ang sinasabi nila na babawi sila. Nandyan din na may malakas na backer ang ipinalit sayo. omg. Biglang isang araw iba na tumatrabaho ng inalagaan mong work. walang pasabi manlang. Gets naman, di ko hawak ang desisyon ng iba pero sa mga nag-babalak na mag alaga dyan ng client don't prioritize them right away, I prioritize ninyo ang mga nag babayad ng tama. Don't expect na they will always choose you just because naging understanding ka... Kayang kaya nila kayong palitan after ka nila gamitin, pagudin, at pag antayin sa wala. papaasahin ka lang.
Ang ginawa din mga nasa taas (since control nila yun at susundin sila ng client out of respect) ay tinanggalan ako ng ibang client para mag focus sa isa na noon ay sabay sabay ko silang hawak.. para daw makapag focus ako ng maayos tapos ngayon wala nakong client ni isa. Mga gago.
I know my quality of work. I know that im good at it because I've been doing this for 9 years and always improving. Im getting tired, I survived because of them and have a bit of savings out of it and im grateful pero feeling ko palagi akong na sasamantala. Late payments, over work, stressful environment, toxic workmates. freaking done!!!!
but of course I dont want to burn bridges. Pray pray nalang talaga at matuto na this time.
Kay lord nalang ako kumakapit ngayon wishing na makabangon ulit after ko i sacrifice yung mga possible clients na dadating sana kung diko sila pinili. now im waiting for new clients again and paying for an add weekly hoping na magka client ulit at makabalik ulit sa service na inooffer ko na ngayun ay matumal. Ngayun nag hahanap ako ng WFH na pwede, ang hirap din.. nag part time csr ako dati wfh setup habang nag ooffer din ng service ko but then giniveup kodin dahil sa ilan silang client ko na anytime biglang may event.. mahirap kasi morning din. pero yun nga kung alam ko lang na isa lang ititira sakin tapos eme lang pala na mag focus ede sana di ko giniveup yung wfh setup ko. kaya sana ng sabay yun habang walang bookings. Mali kodin din talaga hehe.
Ngayun takot ako kasi i know mabilis maubos ang ipon. Ayoko din maging pabigat sa jowa ko kapag naubos na ang ipon ko. huhu help me please. Baka may ma offer kayong WFH please.
Posted Jun 8, 2026, 4:33 PM UTC