TRIGGER WARNING !!! Long post ahead
Problem/Goal: ano ang pwedeng ikaso sa magulang na nanggulpi ng anak, anong pwedeng gawin sa gantong soon to be MIL, at ano pwede gawin sa fiance ko na ito.
Context:
Hi everyone, please i really need your advice.
- My fiance was a working student. After nya grumaduate, nag work sya sa isang coffee shop as a barista. Me (24) and him (23), were planning to get married after ng 1st contract nya sa international. Etong nanay nya nakabantay agad sa sahod, lets say every sahod may cut sya. Kalahati pa. Around 14k-15k lang sinasahod nya, syempre hindi naman yan lahat makukuha ng buo. Lalo na kapag nagkulang sa inventory, syempre bayad sila so magkano na lang uwi nya, wala pang 5k. Sya na sumasagot sa loan ng nanay nya. Sya na nag babayad. Since cash nga ang sahod, ni walang paalam kinukuha na lang sa wallet ni hubby ko. WALANG THANK YOU. basta kumuha lang. Yung sahod? Hindi alam san napunta kung sa iba pang kautangan, o sa bisyo ng nanay nya. Kasi ang mga bills ay papa nya nagbabayad. While him, walang naipundar sa sarili, tanging 2 pcs chicken joy ng jabee lang. So napapa overthink na ako na paano pa kaya pag sa barko pa to, edi kinuha atm nya.
Take note: Si fiance ko mismo nagsikap magpaaral sa sarili nya from 1st yr hanggang makapag tapos. Nag wwork sya while studying.
-
i caught my fiance cheating on me. I know this is non nego but tanga lang si OP. I stayed and gave him a chance. then, nalaman ng parents ni fiance na ganon nagcheat sya sa akin, ginulpi sya ng papa nya. Naawa ako kasi hinampas ulo nya sa cabinet, pinaghahampas sya ng dospordos, at binasag pa yung pinundar nyang pc para sa sarili nya. Training season nya kasi para makapa sakay na sya ng barko, sa amin sya nakatira. Inaasikaso ko sya, and doing wifely things to him na talaga. Kesyo hindi na raw sya nahiya sa amin kase kinupkop na namin sya and inaasikaso ko pa raw. Everytime na makikita sya ng papa nya, tinatadyakan sya. Pinag iinitan. Naawa ako kasi ever since bata sya, ginugulpi na sya basta uminit ang ulo ng papa nya, sya pag iinteresan tas gugulpihin ganon.
-
Etong nanay nya inoopen fb ng fiance ko. Kasi yung old phone ni fiance napunta sa nanay nya, tas yung pinaglumaan ng nanay ay napunta sa anak. Nag palit sila. So yung mga credentials like emails and such nandon, hindi na reformat. So edi ayon naopen nya account ni fiance, edi nabasa nya usapan namin like about sa sex, fam prob, and random stuffs. Narerealtalk ko lang bf ko kase i compared our household sa kanila. Kasi sa amin, yung mom ko hindi sya nanghihingi sahod. Kung magbibigay ay salamat daw, kung hindi naman salamat pa rin. Kumbaga hindi kami iniluwal para maging investment child which is kinaiinggitan ng partner ko na sabi nya lagi "sana dyan na lang ako nakatira". Na hurt yung mama nya.
Take note: may inampon tong nanay nya na palamunin sa bahay. Why ko nasabing palamunin? Walang trabaho, oo nag aaral, ginagamit pc ng fiance ko kesyo may "thesis" daw na ginagawa. One time nahuli ko na hindi naman nag thesis, nag lalaro lang since naka open dc ni hubby sa pc nya, may activity kasi ron na pwede mo makita kung ano ginagawa nung tao. Sinabi ko kay hubby ko yan yet mas pinapaniwalaan yung inampon, lol. Okay lang sana kung thesis nga ginagawa eh hindi naman, nag lalaro lang buong hapon. Napaka batugan pa, hindi kumikilos sa bahay. Tas etong tatay nya galit dyan sa inampon kase mas trato pang anak yan kesa sa fiance ko. Ni ultimo allowance, yung ampon meron samantalang fiance ko wala. Mas priority ng nanay yang ampon kesa sa totoong anak. One time i asked him if pwede dalhin pc sa amin kasi ayun mag wfh ako, ayaw pumayag kesyo nag thesis daw yung isa (na para bang may inambag sya sa pagbili ng pc ng hubby ko) eh nag lalaro lang naman.
3.1 after malaman yon ng nanay nya tas sinumbong sa tatay nya, another gulpi nanaman. Naka arm sling na yung hubby ko, yung dospordos na may pako nasugatan sya sa hita nya, nanginginig buong katawan nya, tagiliran nya masakit, yung ulo nya may sugat. Ni hindi pinapakain. Naawa na ako sa kanya. Gusto ko na syang kunin don, dahil ganon trato sa kanya. Basta ma badtrip lang ang tatay, pag iinitan na agad sya. Never sumagot ang fiance ko sa magulang. Napaka bait nya bilang anak.
Previous attempts: triny nyang kausapin nanay nya about sa sahod, nagalit lang lalo kesyo ginagastos sa akin. Lol. I really really need your advice.
Posted Jun 8, 2026, 4:36 PM UTC