Gusto ko na lumayas samin kaso hindi ko alam saan ako pupunta.
Dati nung may trabaho ako at naibibigay ko lahat ng mga bagay na hindi naman nila hinihiling kusa kong binibigay dahil gusto ko maranasan din nila yung mga bagay na nararanasan ko dahil mahirap lang kami at pinalad ako mag trabaho bilang isang VA at kumikita ng magandang sahod. Hindi ko pinag kait sa kanila ang mga blessings na natatanggap ko. Sinalo ko lahat sa bahay mula pagkain, bills pati iba pang mga luho. Hanggang sa nagkaron ako ng problema sa sarili ko na hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sakin bigla akong tinatamad sa lahat ng bagay bigla ako nawalan ng gana na parang wala akong gustong gawin sa araw araw kundi magkulong at matulog ng matulog at ayaw ko na din lumabas kahit makita friends ko iniwasan ko lahat ng mga bagay na mga ginagawa ko at nakakapag pasaya sakin kahit pakikinig ng kanta nawalan ako ng gana. Mahigit isang taon na nakakaraan nung nag resign ako sa trabaho at hanggang ngayon wala pa din ako nahahanap na bagong trabaho at nahihirapan mag hanap. Kasi kung may dadating man na opportunity bigla akong mawawalan ng gana. Kahit anong pilit kong i encourage yung sarili ko pag nanjan na hindi ko itutuloy. Basta hindi ko maintindihan naiinis ako sa sarili ko. Ngayon pabigat nako sa bahay dami ko nang naririnig na mga masasakit na salita na mas lalong nagpahina sakin. “Kahit pambili ng asin wala ka kupal ka” Hindi ko naman sa sinusumbat mga nagawa kong tulong nung mayroon ako pero bakit nung ako na yung nawalan wala na din talagang tumulong At umintindi sa nararamdaman ko. mas masakit pa nanay ko pa mismo at kapatid kapamilya ang mga nag sasabi sakin ng kung ano ano dahil naging palamunin ako. Hindi ko matanggap ang sakit sa dibdib. Awang awa ako sa sarili ko hindi ko alam saan ako mag sisimula. Pero isa lang gusto ko muna sa ngayon lumayo/ umalis sa bahay pero diko alam saan ako pupunta. Pinapalayas na din nila ako kaso saan ako pupunta nahihiya ako sa mga friends ko na matagal kong hindi nakita or kung may friends pa ba ako. Simula nung hindi nako nagpakita wala na din nangamusta sakin. Natatakot ako ayoko maging palaboy. Gusto ko na lang maglaho at hindi na magpakita sa amin. Mabuti na lang wala akong anak kawawa naman kami kung ako ang naging magulang nya wala akong silbi.
Posted Jun 10, 2026, 4:24 PM UTC