grabe kayo, para normal podcast! 😠

Advice Wanted

i know i'm not alone on this, pero nothing comes close to para normal podcast in terms of vibe, yung parang nakikipagkwentuhan lang sila sa isa't isa, tapos ikaw yung invisible guest na nakikinig, nakikitawa, nakiki-relate. sobrang happy ako na nakita ko sila sa YT. hindi ako malalim na tao kaya aaminin ko, madalas hindi ako hooked sa mga epis nila na malalalim din. but even so, their episodes always make my week. i listen to the podcast almost in everything that i do haha (maliban sa work), kapag naglalaba, nagmemeryenda, kapag walang magawa, at kapag wala akong makausap. feel ko, kaibigan ko rin sina sam, liz, jp, jm, at sir nick. sana hindi sila mawala. sana rin magkaroon pa sila ng maraming episodes. personal bet ko yung mga kwentuhan nila tungkol sa multo sa apartment/bahay, aswang/multo sa probinsya, mga ang comfy-comfy na tales ng mga magkakaibigan kung paano sila minulto. i hope they get to share more of that normal people's creepy experiences. i also hope na may mga school/college series na. sana magbalik na rin ang paranormal tales. kahit 3 hours pa yan! kahit di ako mahilig magload pag lalabas, nagloload ako just to hear the podcast sa mahabang biyahe. sir nick, kung nakikita mo man 'to, marami kang napasayang tao, kayo ng team mo! ☺️

ps. naghanap na po ako ng parang tulad sa kanila pero i had no luck. aware po ako sa list ng mga podcast na medyo similar but not quite. pero baka may di pa ako alam. sana maka suggest kayo para habang naghihintay sa uploads ng PNP. hehehe thanks you.

Posted Jun 10, 2026, 4:27 PM UTC

127
Loading comments…