Thank you for making me a better me. I'm okay now and I hope you are too.
I just want to share this here on reddit kasi tingin ko habang sinusulat ko to, ay macocompose ko thoughts at malalaman ko talaga kung pano ito iexpress sa ibang tao. Kwento lang ito about my past relationship that lasted from 2018 until 2023 and my feelings and closure about the whole thing.
Rewind to 2018, I'm your typical happy-go-lucky guy with a badboy aura, tapos sya naman at goody-two-shoes came from a good/normal family. Nagkakilala kami sa isang BPO company. We were really fire and water pero wala e, naatract sa isat isa. After a few months, nagresign sya kasi kelangan niya bumalik sa medschool pero we made it work even if pang gabi ako because we started living together after a few months of seeing each other. Masaya sa una, I'm not paying for the apartment, hampas lupa lang ako nun pero I took care of her. Maglaba ng uniform? magasikaso ng food? Hugas plato? bili dito bili dyan? Masahe? No problemo, I took care of the chores. Nagaaway kami paminsan minsan because of my smoking and drinking, mga ilang beses niya din ako pinalayas dahil dun pero after our one particular big argument, I stopped smoking and drinking altogether ( I still vape tho). Pero alam mo yun, I still got a big chip on my shoulder kasi BPO agent lang ako at sya soon to be doctor. Nanliliit ako kapag pinakilala niya ako sa friends or family niya. So I studied sa Youtube university then pandemic came, nagkaroon ako ng opportunity pumasok sa IT. Naglevel-up kinikita ko, nakakain na kami sa labas, nakakatravel na kami, medyo tumaas self-esteem ko pero tumaas din ang cost of living namin. Medyo naging high-maintenance na siya kasi nagduduty na sya sa ospital, nagstop din ang side hustle niya at talagang ako na lahat sa bills at everyday needs dahil naapektuhan din ang parents niya ng pandemic. Nagclose business nila, nawalan ng work ang dad niya, so shoulder ko ang everyday namin. Then one day, we had this big argument about money kasi nakita ko ang bill namin sa credit card ang laki pala na di niya sinasabi sakin. Nawalan din kasi ako ng mga 2 months, may buffer naman kaming 1 1/2 na sahod ko pero kulang e. After a few months sa bagong work ko, nakita niya vape ko. I know it's wrong to hide things from your partner pero hindi ko matigil ang vape e at alam ko na pagaawayan lang naman ulit yun, which I'm right. So ayun, pinalayas na naman ako and this time kahit anong pilit niya sakin bumalik di ako bumalik agad, with all of things happened recently ayun ata naging trigger ko. Kinuha ko lahat ng gamit ko this time, I want to choose myself naman this time. I went to her for a week kasi nakiusap ang parents niya na samahan ko sya. Pero wala e, I want to choose myself for once.
Yung teens to mid 20s ko, napunta sa pamilya ko. Iniwanan kami ng parents ko sa lola ko at need ko agad magbanat ng buto kasi ako panganay e tapos sya pumalit. Di ako makauwi ng matagal at kamustahin mga kapatid ko kasi pinapabalik ako after 24 hrs sa condo. Dati 1 week ako sa bahay, 1 week sa kanya, hanggang naging weekend nalang ako sa bahay then 24 hrs nalang. Sa sobrang attached niya sakin; one-time nagroadtrip kami kasama relative namin pero gusto na niya ako pabalikin sa kanya. Hanggang sa tinawagan niya kapitbahay mga friends and pati landlord namin. After nun, ayaw na ng pamilya ko sa kanya kasi eto verbatim ng kapatid ko "pinagdadamot ka niya samin!". So I chose to break up our relationship. Sobrang hirap sabihin. Sobrang mahal ko sya nun pero nawawala na yung sense of self ko, need ko bang maging sunud sunuran sa mga gusto niya? Kasi we talked about it, pero wala e. I don't have a say on almost everything. Wala akong social life, iniwan ko lahat kasi gusto niya lahat ng free time ko sa kanya. Kapag may malaki kaming argument or ayoko bumalik kasi pinalayas niya ako, tinatakot niya akong magpapakamatay sya or buntis sya. She left me with no choice but to leave her.
Chinecheck ko pa rin sya palagi, sa mga stories ng family or friends niya. Binabayaran ko pa rin ang utang sa card. Kung nakapasa na sya ng boards. Nagcocommunicate kami sa email, transactional lang, tungkol sa bills lang sa card. Then one day sinabi niya na may boyfriend na sya. Na-shock ako, nag-inom ako after 4 years, napainom ako. Dun nagsimula depression ko, nadagdagan pa nung namantay ang lola ko.
After 2 years, present day. Lumipad ang career ko, medyo nakaalis nako sa laylayan, got my 1st car, dated a ton. Pero wala e, kulang. I still miss her from time to time, still check her and found out na she's engaged now, masakit pero di masakit tulad ng dati. Do I regret my decision to leave her? No, tingin ko papuntang nuclear na yung relationship namin. I still want to thank you for everything, sa pangturo sakin ng right table manners, sa proper hygiene, sa pagturo sakin maging patient and kind to others. Kung may 1 of a million chance na mabasa mo to, I want you to know that everything is NOT YOUR fault, it was also mine. I loved you, and goodbye.
Posted Jun 11, 2026, 2:37 AM UTC