Oa Lang Ba Ako na nagalit ako sa ate ko na late sila ?
Birthday ng pamangkin ko ng June 7. Dahil medyo short sila sa budget, walang balak ate ko na maghanda para sa anak nya. Kaya sa awa namin mag-asawa, kami nalang nag-suggest na kami na maghahanda kahit para sa pamilya lang. Kami na sa pasta, dessert, cake, chicken at hotdog para sa mga bata. Sila nalang ang magluto ng menudo para may ulam. Usapan namin 3pm kami mag-kita kita sa bahay ng kuya ko.
On that day, exactly 3pm kami dumating ng asawa ko para pumunta sa bahay ng kuya ko to celebrate my niece’s birthday. Dala namin mga handa. Pero pagdating namin dun, wala pa ang ate ko at ang anak nya. Nasa mall sila, nagsha-shopping dahil may mga sale. Kaya nagalit ako. Kase bukod sa may usapan kami na 3pm, hindi pa kami kumakain mag-asawa bago pumunta sa bday ng pamangkin ko dahil balak namin na sabay-sabay na kami kumain.
Iniwan ko nalang yung mga dala namin na handa at umalis na. Nakarating na sila ng almost 5pm. Galit ako sa sarili ko kase feeling ko, nagbibigay ako ng hindi naman nila hinihingi. Naiiyak ako kase parang wala akong karapatan magalit. Ang pinaka-nasaktan ako, masaya sila nagcelebrate kahit na wala ako. 🥲
Hindi ko alam kung OA lang ba ako? Na ang babaw ko ba? Kase yung husband ko willing to wait naman sa kanila. Ako yung may ayaw, kase may usapan kami pero hindi nila nirespeto yung oras namin. 😢 ilang days ko na sila hindi kinakausap, wala rin naman akong sorry na narinig sa kanila. Pa-vent out lang.
Posted Jun 12, 2026, 12:47 PM UTC