First time ko kumain sa Vikings Luxury Buffet
So dahil birthday ko today, nagpareserve ako kahapon dito sa Vikings (di ko na sasabihin kung saang branch). Para naman kahit papano matry namen ng mga anak ko kasi palagi namen nadadaanan. So ayun parang nakulangan ako sa mga foods nila. Wala man lang lobster. Ung salmon nila hilaw di naman ako nakain ng ganun. Tapos ung iba sakto lang ang lasa. 5:30pm ang start 6:30 nagyayaya na anak ko umuwi. Wala kasi mapagpilian. Mas nagenjoy pa kami sa ice cream. Masarap ung ice cream nila. So ayun lang. atleast ngayon alam na namen mga pagkain dun.
Posted Jun 12, 2026, 12:48 PM UTC
016