Normal ba talagang ma nood ng corn kahit na nasa serious relationship kayo?

Relationship

Kuyang/Ateng,

Matagal na akong may kutob na ginagawa niya 'to pero parang tinatago niya lang. Then one day, nakita ko nga sa browser history niya. Open naman siya sa pagpapahiram ng phone niya sa akin, hindi naman para silipin ko kung ano ginagawa niya. Nagkataon lang na kailangan kong tumawag sa isang store at hindi ko alam yung number, kaya ko nahiram.

Pagkatapos kong makita yun, hindi ko agad nasabi sa kanya. Naging distant muna ako ng ilang oras habang pinoprocess ko yung nararamdaman ko. Eventually, nag-text ako at tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa yun. Tinanong ko rin kung may problema ba sa akin o may needs ba siyang hindi ko nami-meet, kasi gusto ko talagang maintindihan siya.

Ang sagot niya, "Bilang lalaki, parang normal lang daw yun" o baka parte lang daw ng pagiging lalaki. Sabi rin niya, kung hindi ko gusto, kaya naman daw niyang iwasan. Wala naman daw kasi iyong meaning para sa kanya.

Honestly, parang wala akong naisagot kundi, "What?" 😅 Nasaktan ako pero at the same time, parang naiintindihan ko rin nang kaunti kung saan siya nanggagaling. Nalilito lang ako sa nararamdaman ko.

Kayo ba, anong thoughts niyo dito?

Posted Jun 12, 2026, 11:52 PM UTC

346
Loading comments…