MariBank + GrabFood Cancelled Order Refund Issue? Need advice.

Hi guys,

May naka-experience na ba dito ng cancelled GrabFood order na charged sa MariBank debit card?

May cancelled order kasi ako worth ₱595. Napansin ko na nabawas na siya sa account ko, pero nung na-cancel yung order, in-expect ko na either:

•	babalik agad yung pera sa available balance ko, or

•	magkakaroon ng refund/reversal transaction na makikita ko sa account history.

Ang problem, mino-monitor ko talaga yung account ko dahil medyo OC ako sa finances. Ilang beses ko chineck yung balance at transaction history ko pero parang hindi ko nakita na bumalik yung ₱595.

Nag-chat ako sa MariBank support at sabi nila naibalik na raw yung funds at makikita ko raw sa e-statement. Pero nung tinanong ko kung saan mismo pumasok yung refund, wala silang maibigay na:

•	reversal reference number

•	refund transaction ID

•	exact date kung kailan na-credit

•	account ledger na nagpapakita kung saan pumasok yung ₱595

Paulit-ulit lang nilang sinasabi na naibalik na raw.

Ang nakakapagtaka pa, chineck ko yung older statements ko at may ibang refunds naman (Foodpanda/TikTok) na malinaw na nakalagay bilang refund transaction. Kaya nag-eexpect ako na kung may Grab refund, dapat may makita rin akong ganung entry.

Kaya gusto ko lang sana malaman kung normal ba ito o may hindi lang ako naiintindihan sa process.

Questions:

•	Kapag ba cancelled ang GrabFood order, dapat ba immediate ang balik ng pera?

•	May separate refund transaction ba dapat na lalabas?

•	MariBank users, gaano katagal bago bumalik yung funds niyo?

•	Naranasan niyo na bang sabihin ng bank na refunded na pero wala kayong makita na actual credit transaction?

•	Possible ba na reversal siya pero walang incoming transaction na makikita?

Hindi naman ako agad nag-aaccuse ng kung ano. Gusto ko lang maintindihan kung normal ba ito kasi sa side ko nakita ko yung deduction pero hindi ko ma-trace kung saan bumalik yung pera.

Salamat sa sasagot.

Posted Jun 13, 2026, 11:30 PM UTC

310
Loading comments…