Anong ganap nyo sa buhay ngayon?
Hello,
Wazzup my fellow trentahins.
I just wanna know if anong ganap nyo sa buhay nyo ngayon and so far anong progess na nagawa nyo? I'll share mine first.
So right now nagresign ako sa previous kong company para makapag focus sa tinayo kong firm. Nakakakuha naman ng client pero medyo matumal compare to what I'm expecting. Madami naman ako natutunan for example papano ko palalakasin yung terms and conditions ng mga proposals ko and papano ko mapapabilis yung trabaho ko by making yung mga repetitive task into templates, tapos documenting along the way yung mga natututunan ko. Pero kahit pa nagawa ko tong mga to, the rubber doesn't hit the road kumbaga kasi sobrang dalang talaga ng client kaya mafefeel mo din na tama pa ba tong ginagawa ko? Well sabi naman nila small progress is still a progress so ayun, dahil naniniwala ako sa ganun, sige lang tuloy lang.
Isa pang problema is panipis na din yung funds ko kaya nagpeprepare din ako ng backup plan ko haha! Pero ito for sure ako na di ko to matututunan kung di rin ako nagresign kasi di ko makikita yung ibang angles nung negosyo kung ang nasa utak ko eh I'm a salary man. Yup I'm a male so may ego din on my part na dapat provider mindset dapat (kahit single talaga ako 🤭).
Anyway kung ano man ganap mo ngayon and anong progess na yung nagawa mo share mo naman baka mainspire din kami.
Open din ako for dm kung gusto mo din makipagkwentuhan.
Posted Jun 13, 2026, 11:30 PM UTC