OA lang ba ako? Kung inis na inis ako sa BF ko kasi ayaw niya ipakita yung content ng cellphone niya saakin?
For context, matagal na kami hindi nagkikita due to we're both busy sa personal lives namin. May history siya na naglilike/follow/chat ng mga sexy girls sa IG and FB. One was even his former fling. Hindi tumutuloy yung chat madalas kasi di naman siya nirereplyan. The chats were simple heart then some ay nirereplyan niya base dun sa posted notes. Dahil dun, madalas ko icheck phone niya pag magkasama kami (both phones). Sabi niya, magbabago na raw siya. Indeed, nagpapakita naman ng character development.
Naging busy kami parehas at matagal nang hindi nagkikita. Ako na may trust issues, inopen up ko sakaniya na gusto ko sana icheck yung phone niya. At first, hindi niya pinapansin yung chat ko and he was insisting na maglaro kami. Ayaw niya pansinin. Then nung kinukulit ko na, biglang sabi niya humina daw yung net niya. Sobrang sudden. It is indeed kasi shinare screen niya. Hinala ko, pinalitan niya yung pinag connect-an niya kasi dalwa yung wifi nila.
Then sinabi ko, ishare screen niya ulit tapos palitan niya yung wifi. Ayun, ayaw na niya gawin. Andami niyang excuses like "pagod ako" "bakit ngayon". Hanggang umabot na ng isang araw (ngayon) ayaw niya pa rin.
Naiinis ako sakaniya sobra. Parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Sinasabi niya na ang toxic ko na at wala na akong tiwala sakaniya. Nakaka galit, parang pinag ttripan niya nalang yung feelings ko. Worse, baka may tinatago siya kasi ayaw niya ipakita yung content nung phone niya. Gusto ko na siya iwan, pero eventually, babalikan ko nanaman siya kasi madadala nanaman niya ako sa mga sinasabi niya. Gusto ko nalang matapos itong cycle na to.
Posted Jun 14, 2026, 12:11 PM UTC