How to deal with an annoying rider na halata masyado galawan mang gancho nalang eh.

This is a specific person and not generalizing move it (or similar platform riders).

​

Nagkaroon ng road accident last week. Nagka areglo na at lumagda na yung mga sangkot sa aksidente. Ngayun tong si move it rider pinagbigyan na sa mga hinihingi, cooperative yung nakabungguan niya di naman siya iniisnob.

​

Unang demand bigyan ng bayad daw yung 4 days na wala siyang byahe (binigay naman na),

​

Need niya na bumyahe, may tama daw yung pihitan ng scooter na motor niya, so sabi sakanya nung kabungguan niya ipaasses niya ng mapaayos na at ng makabyahe na si rider. Yung mga ibang sira sa motor to follow nalang kasi pang aesthetic naman.

​

Note: nagkapirmahan na sa police traffic station at may notaryo na. May recording din na kung ano lang yung pinapagawa na napag agreehan ng both parties yun lang dapat.

​

Example Tuesday yung nag agree both parties, si nakabunggo ni moveIt yung sasagot ng paayos sa motor (kahit kupal gumalaw, tawag ng tawag maya't maya kahit magkachat naman na sila, di rin naman siya tatakbuhan at kinakausap siya maayos nung nakabungguan niyang isa. May trabaho din naman yung isa? Tapos yung nakabungguan, naospital pa yun daming gasgas at galos si moveIt rider wala. Naidrive pa niya motor niya papunta pulis station, yung nakabungguan niyang bigbike napuruhan yung bike at rider, need na maipunta sa casa).

Ang sabi ng biker, ipapaayos niya pero dun sa kakilala niya (siyempre mas tested na rin niya yun), kahit yung parts kung gusto ni moveIt hanap siya, dalhin nalang dun sa kakilala ni biker). Ngayun oo ng oo sa chat yung moveIt rider, pero maya't maya tumatatawag na kesyo may kakilala daw siya na dun ipapagawa at may nahanap daw sya na parts.

​

Biglang, sabado. Mag chachat yung misis kuno ni moveIt rider gamit account niya dun kay biker, na need din daw ipagawa yung coating nung fairings. Oo naman si biker, pero ngayun nag iinarte sila ayaw daw nila dun sa tropa ni biker. Dun daw dapat sa kanila.

​

Pumayag payag tapos ngayun namemerwisyo na dun sa gusto nila? Eh pumayag na nauna dun sa tropa nung biker. Halata din masyado na kumukupal siya, tinatanong siya sa insurance ng motor niya wala siyang maayos na sagot, maski sa moveIt daw di niya ginamit pa. Pero sagad kung mangulit sa mga bagong parts ng pagawa dun sa lumang motor niya.

​

May similar case ba dito? Ano pwede ihabol or gawin/ panglaban sa ganito para umayos? At this point kasi nangungupal nalang eh. Anong silbi na nakipag areglo tapos ngayun papahirapan pa yung kumakausap sa kanya? Sasagutin na nga yung sira ng motor pero nag iinarte parin?

​

Salamat sa papansin at makakasagot.

​

Mainam sana kung nasa practice din mismo para pwedeng alam ano possible na ikaso kung ayaw pa niya magtigil? Nakikialam din yung misis eh nakakabyahe na siya ulit. Apektado na mental health nung biker di pa nakakapag pagaling ng mga injury tapos maya't maya mangulit at tumawag yung rider.

​

Posted Jun 15, 2026, 12:53 PM UTC

01
Loading comments…