Napakatoxic ng supervisor ko
Napaka toxic ng work ko lalo na supervisor namin.
Bawal raw kami magtanong sa HR. Hindi kasi niya ginawan ng paraan about sa Gcash ko dahil ilan beses ko na sinabi na may on going payment ako sa gloan and if pwede ba ang Maya. If landbank naman raw it would take me 2-3 days makuha ang sahod which is okay naman sa akin. Ang problema kasi is pinasa niya gcash and she decided na Gcash. At yun sahod namin today, nadeduct totally yun sahod ko. Birthday ko pa naman this week, wala akong allowance na matatanggap.
Meron akong cat na may monthly check up sa clinic
kasi kakaopera 1 month ago due to kidney stones. Hindi man nila ginawan ng paraan na I was asking for almost a month na. Mastress pa siya if madelay ako sahod eh sinabi ko namang okay lang sakin. Now, nagbabalak na ako magresign kasi bukod sa napakatoxic niya, sinabihan niya akong wala siyang pake sa gloan ko. Sa dinaan kong manager/supervisor sa lahat ng naging work ko, ito lang first time ko naexperience. Lahat din ng HR na nakausap ko napaka-approachable pa nila at ginagawan talaga nila paraan makasahod lang kahit hindi available. Pero yun supervisor namin sinabihan ako bawal kami mag ask direct sa HR kasi meron naman sila and nafeel niyang nabypass ko. Let say yun ang mali ko pero pinagpaguran ko rin ng 15 days yun tapos napunta lang lahat sa wala napaguran ko. Ang sakit sa loob. Wala man lang ako nakuha sa sahod. Parang gusto ko na lang mag-awol or mag immediate resign.
Kung pwede ko lang ipost dito conversation namin, nakacapslock pa niya lahat sinabi sa akin.
Posted Jun 15, 2026, 12:54 PM UTC