Utangero ang asawa ko……..
Problem/Goal: Utangero asawa ko
Context: Lumayas na naman ang asawa ko almost 3 weeks ago dahil nahuli kong may loan na naman na siya and this time, hindi na sa online lending apps kundi sa GSIS na mismo. 65k ang outstanding loan balance niya. Kung hindi ko pa naisipan i-check ang GSIS app niya, hindi ko pa malalaman na may utang na naman siya.
3 years pa lang kaming kasal pero taun-taon na may issue kami sa pera dahil ang hilig niyang mangutang nang hindi ko alam. Magmula sa sanla atm, OLA at ngaun pati GSIS niya inutangan na rin niya. Ang masaklap pa, hanggang ngaun, hindi ko alam kung saan napupunta ang perang inutang niya dahil hindi naman siya umaamin.
Sa tuwing nahuhuli ko rin siya sa pangungutang niya, siya pa ang malakas ang loob na lumayas at bitbitin lahat ng gamit niya. Siya pa ang galit at sinabihan pa ako na wala raw akong pakialam dahil pera naman daw niya ‘yun.
Ngaun, ako na naman ang masama sa pamilya niya dahil “pinalayas” ko ang kamag-anak nila kahit siya naman ang nagpumilit umalis. Gustung-gusto ko sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit kami nag-away pero as always, kakampihan pa rin nila siya at kukonsintehin. Babaliktarin pa ako para magmukhang ako ang masama dahil minura ko ang anak nila at binasag ang iPad niya dahil sa galit ko. So, ano pa lang ini-expect nila na reaksiyon ko, magpa-pansit dahil nabuking ko na may utang na naman anak nila?
This time, ayoko na talaga. Suko na ako. Malungkot at masakit dahil heto ako, hiwalay na naman sa asawa. 2nd failed relationship. Kaka-promote ko lang pero imbes na maging masaya, heto pa ang nangyari. Ano ba namang buhay ‘to…
Previous attempts: Heart to heart talk including intervention with family members pero waley
Posted Jun 15, 2026, 1:00 PM UTC